Chapter 53:

1.1K 36 0
                                    

Aspher's POV

Bwisit na teacher to! Nag-extend na naman kami ng 15 minutes at may nag-aantay pa sa akin.

"Ok! You'll have to submit your reflection paper this Monday." saad ng teacher.

Sumunod ay nagsitayuan na kaming lahat at nagsipunta sa susunod pa nilang klase. In my case, wala na akong klase kahit ala una palang.

Balak kasi naming mamundok ni Justin ng isang gabi. Maybe, it's the best escape sa maingay na syudad and find peace na kami-kami lang, napapaligiran ng mga puno.

Napatakbo ako sa may entrance at nakita ko si Justin na nakasandal sa isang sasakyan katabi si Bella.

Sumakay na kaming tatlo sa sasakyan ni Bella at dinala niya kami sa daanan paakyat sa bundok.

"Ingat kayo and enjoy." bilin ni Bella.

Kumaway ako at ngumiti sa kanya habang nagpatuloy sa pag-andar ang sasakyan.

"Tara na!" aya ni Justin.

----------

Mag-iisang oras ang aming nilakbay. Hindi naman namin planong akyatin hanggang pinakatuktok. Sapat na ang lugar na hinintuan namin para sa isang bonding time na may magandang view.

"Grabe! Ansarap sa feeling." saad ko habang ninanamnam ang halimuyak ng hangin.

Umupo kaming dalawa sa isang malaking bato at dun muna nagpahinga.

"Picture tayo dali." sabi ko sabay kuha ng phone ko sa bulsa.

Pareho kaming tumingin sa camera at nagpacute. Hindi kasi namin hilig ang nakasmile kase ang creepy tignan. Hahaha.

"Dun tayo!" sabay turo ni Justin sa isa pang bato na kailangang akyatin.

Umakyat naman siya at nilabas ko ang DSLR camera ko at yun ang ginamit ko.

Inadjust ko ang focus at bumilang, "One... Two... Three!" sabi ko sabay pindot ng shutter. "Isa pa!" nagpose muli siya. "Baba ka na dyan at ako ang kunan mo."

Naghanap ako ng magandang background at ang maganda ang lighting kaya dun ako pumwesto.

Side view ang kuha at kalahati lang ng katawan ko ang nasa frame. No doubt na magaling akong magpose. Haha! Credit padin tayo sa galing ng photographer.

Ginugol namin ang isang oras na nagkukunan lang ng mga larawan. Pagkatapos ay nag-ayos kami ng tent sa hindi masukal na lugar para maayos namin ang mga dala naming gamit at pagkain.

Mabuti nalang at wala kaming nakalimutan. Yung mga gamit na pinahawak ko kay Bella ay kumpleto pa naman.

"Gusto mo?" habang binubuksan ni Justin ang isang pakete ng crackers.

"Busog pa ako." pagtanggi ko.

"Fine!" sabi niya.

Tumabi ako sa kinauupuan niya, nilagay ang kamay sa balikat at ginawaran siya ng isang halik.

"Bakit?" tanong niya.

"Wala lang." sagot ko.

"Nagpaparamdam ka lang ata eh." nakangising saad niya.

"Maybe?" sabi ko naman sabay kagat sa aking labi.

Nilapag niya ang kinakain at muli akong hinalikan. Pinasok niya ang dila niya na aking nilabanan din gamit ang aking dila.

Sa tingin ko naman ay walang makakakita sa amin since nasa tagong lugar ito - malayo sa talagang daanan paakyat sa bundok.

Dahan-dahan niya akong hiniga sa nakalatag na tela habang di napuputol ang aming halikan.

Inaangat ko naman ang suot niyang T-shirt kaso di ko maalis kaya siya na mismo ang nagtanggal dito.

Given PrerogativeWhere stories live. Discover now