Chapter 15:

2.1K 69 0
                                    

Aspher's POV

Mabilis dumaan ang oras, ngayon ay pabalik na kami syudad. Ina-antay ko lang mga kasamahan ko dahil may binalikan ang iba sa villa at ang mahaharot kong mga kaibigan na sina Bella at Jackie ay walang kapagod-pagod na kumukuha ng picture gamit ang DSLR camera ko.

Mabuti nalang at mabilis bumalik sina Justin kaya lahat ay sumakay na sa van.

"Pwedeng ikaw magdrive?" paki-usap ko kay Justin dahil kaming dalawa lang ang marunong.

"Okay!" saad niya.

Sumakay siya sa driver seat at ako ay umupo sa tabi niya.

----------

Naging matiwasay naman ang biyahe namin na umabot sa dalawang oras. Nakarating na kami sa mga bahay-bahay namin at madilim na ang paligid.

"Musta ang bakasyon?" bati sa akin ng nanay ko.

"Masaya." nakangiting sabi ko.

"Masaya! Anyari sa paglalakad mo?" pang-uusisa ni kuya.

Pinilit ko na nga ayusin ang lakad ko para hindi halata pero sadyang malikot ang mata niya.

"Nakaapak lang ng matulis na bagay." paliwanag ko.

"Naku! Patingin nga ako." naligagang saad ni nanay.

Hinubad ko naman ang sapatos ko at inalis ang binalot na bandage.

"Pakuha ng first aid kit, Ashley!" sigaw ni nanay kay ate na nasa kusina.

"Saglit lang, ma." maya-maya ay dumating ito na hawak ang first aid kit.

Nilinisan ni mama ang sugat ko bago kami kumain. Masaya ang naging hapunan dahil sa mga dumating na bisita - ang pakakasalan ni kuya.

"So, naayos niyo na ba ang mga papers niyo? Next week na tayo lilipad papuntang UK!" paalala ni mama kina Kuya Ashton.

"Yes, ma." sagot ni Kuya.

Oo pala. Balak nilang magbakasyon sa UK ngayong Christmas break para doon balak ni kuya magpropose kaso iniisip ko ang pinagplanuhan namin ng barkada na gagawin namin this Christmas kaya ako lang ang maiiwan dito sa bahay.

At tsaka ayoko ng mahabang biyahe.

----------

Tinapos ko na ang gabi at umakyat sa kuwarto ko. Maya-maya, nagring ang phone ko at pangalan ni Justin ang lumabas sa screen na tumatawag.

"Hello?" bungad ko.

"Grabe! Namiss agad kita!" sabi naman nito sa kabilang linya.

"Ewan ko sayo." natatawang sabi ko.

"Totoo! Nag-iinit nga ako ngayon, eh." pilyong saad nito.

"My Ghad, Justin! Tumigil ka nga." sabi ko.

"Pwede ka bang pumunta sa dorm? Ako lang mag-isa dito." anyaya niya.

Napaisip tuloy ako kung pupunta ako. Alam ko na naman ang mangyayari niyan eh. Kantutan, sanhi para sumakit ang katawan.

"Fine!" sabi ko.

Nagpalit lang ako ng mas makapal na damit bago bumaba at nagpaalam.

"Ma, punta lang ako sa dorm nina Justin." paalam ko.

"Uwi ka before 10..." paalala nito. "Or doon ka nalang matulog." dagdag niya.

"Actually, doon talaga ako matutulog." sabi ko.

"Good luck!" pabirong saad ni kuya.

Nakataas ang isang kilay kong lumingon sa kanya. "Che!"

Agad akong lumabas at dumaan sa drugstore para bumili ng condom. Di ko narealize na grabe ang humiliation na naranasan ko habang bumibili.

Medyo nangamba ako noong unang mga pagtatalik namin, wala namang mawawala kapag mag-iingat kami.

Nakarating ako sa dorm niya na di kalayuan mula sa bahay.

Given PrerogativeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon