Chapter 36:

1.3K 51 0
                                    

Aspher's POV

My brain's capability is at its lowest but I can strongly feel my environment and can accurately hear every voices and sounds.

Pero the worst thing is that hindi ko kayang gumising. I want to scream or even talk pero I can't control my body - no response.

Ganito ang gusto kong mangyari araw-araw, na sana magising na ako. With that thought, alam ko na may humahawak ng kamay ko.

It's weird dahil hindi ako familiar sa kung kaninong kamay ito hanggang sa makarinig ako ng boses.

"Wow! Welcome back!" if I'm not mistaken, boses yun ni Russell. "Grabe pala ang pinagdaanan mo nuh, and I feel sorry for what happened." gusto kung maiyak, I feel their pain. Tumatagus kahit boses lang nila ang naririnig ko.

"Grabe ang pag-alala ko...namin nung napanood namin sa balita ang nagyari. Inataki talaga ako ng insomnia kakaisip sa kalagayan mo. Well, you're not just a friend to me Aspher. Alam ko na espesyal ka sa akin but I kept my feelings to myself dahil I value our friendship. Pero given the chance na sasabihin ko to sayo, I would rather take that chance right now. I love you Aspher! I've always been." confession niya.

Now, I'm confused!

"Kailan ba? Second year noong nanalo kayo sa sayaw or noong acquaintance party?" kwento niya.

Patuloy lang siya sa kanyang kwento hanggang sa nagpaalam siya at narinig ko din ang boses ni Bella.

Ohhh! I already miss my bestfriend.

Ngayon, silence na naman ang naririnig ko pero alam ko na may mga tao.

Then, my body tensed noong nakarinig ako ng boses na matagal ko ng gustong marinig.

It's him! It's really him - Justin.

Biglang nabuhayan ako ng loob. It's been a while pero bigla akong naexcite but the feeling moves so fast.

Parang mabilis ang pag-andar ng oras hanggang sa mapadpad ako sa isang lugar na lahat ng anggulo ay kulay puti - parang hallway or tunnel.

Nakatayo lang ako pero may naririnig akong boses. Meanwhile, pakiramdam ko ay parang nag-iiba ang lahat, I'm so confused sa nangyayari, biglang nagflashback ang ibang memories pero unti-unting naglalaho ang iba.

"Sorry! Sorry sa lahat ng nagawa ko." umiiyak na boses ni Justin. "Hindi ko mailarawan kong gaano ako naging tanga at sinaktan ko ang isang tao na ngayon lang ako nakaramdam ng totoong pagmamahal. Nagsisisi na ako sa lahat ng nasabi ko pero hindi yun mababago ang nangyari sa iyo. Kasalanan ko ang lahat ng ito eh. Kung di kita sinaktan, edi hindi ka natuloy sa ibang bansa. Kung sana kinain ko nalang ang pride. Kung sana nagpakatotoo lang ako." halos sasabog na ang puso ko sa mga narinig ko.

Gusto kong sumigaw baka sakaling marinig niya. "Hindi mo kasalanan! Antayin mo lang malapit na ako." yan ang nais sabihin ng utak ko. "Pinapatawad na kita."

I can feel him touching my hand tapos sa buhok then the next thing happened to me is so fast. Sa sobrang bilis, hindi ko alam ang nangyayari.

Given PrerogativeWhere stories live. Discover now