Chapter 3:

3.9K 138 1
                                    

Aspher's POV

Masaya kaming naglalaro pero nakatuon ang pansin ko sa kamay ni Justin na nakaabay sa akin.

It means nothing pero part of me ay inaasam na huwag niyang tanggalin.

Hanggang sa mga oras na ito, hindi pa nila ako napapayag na uminom since wala pa naman akong ginagawa sa mga sinasabi nila or sabihin na nating wala akong balak pahalata.

"Never have I ever chushed on someone na nasa barkada." pahayag naman ni Bella na nakatingin sa akin.

Alam ko ang ibig sabihin ng tingin na yun since alam niya pati si Jackie na crush ko si Justin and who knows kung sinabi nila sa barkada.

"K. Fine." sabi ko sabay kuha ng shot.

Kumuha din si Jackie dahil crush niya si Alfed dati at wala kaming kaalam-alam na may naging crush si Justin at Russell sa barkada kaya sabay-sabay naming inimom ang alak.

"So, sino ang naging crush niyo?" nagtataka kong tanong kina Russel at Justin.

"Secret." nakangiting saad ni Russell.

"Ikaw, muna!" sabi naman niya.

"Next na nga lang." sabi ko para maiwasan ang tanong. "Never have I ever created an account sa dating sites." ganti ko kay Bella.

"Maduga naman. Ako ata pinupuntirya mo eh." reklamo ni Bella.

Nakangiti lang ako. "Bawi-bawi lang yan." saad ko.

Di padin sila nagsawa sa laro hanggang naubusan na kami ng iinumin.

Wala naman sa amin ang malala ang tama kaya matino kaming nakauwi.

Magkasama kami ngayon ni Russel dahil pareho kami ng subdivision na tinitirhan.

"Shit! Nagtext si Mama." sabi ni mama sabay basa sa text.

"Lagot tayo niyan. Pati din sina mama nalaman na umalis ako ng bahay." sabi ko.

"At least, nag-enjoy tayo." sabi naman niya.

Papalapit na kami sa bahay nila at bukas ang ilaw sa labas ng bahay nila.

"Good luck! And good night!" paalam ko.

Papasok na siya ng gate ng biglang tumalikod. "By the way, yung crush mo, crush ka rin." sabi niya sabay kindat.

Sana nga. Hahaha. Kaso may girlfriend na siya at wala akong laban sa tatlong taon na relasyon.

Nagpatuloy pa ako sa paglalakad hanggang nasa harapan ko na ang aming bahay - patay ang ilaw sa unang palapag kaya baka natulog na sila.

Casual lang akong pumasok and wala namang tao sa sala. Dinahan-dahan ko ang paglakad sa hagdanan hanggang makarating ako sa loob ng aking kwarto.

Naligo muna ako ng mabilisan bago natulog.

Nakapikit na ako nang tumunog ang phone ko.

"Pwedeng matulog sa inyo?" maikling text ni Justin.

"Bakit?" reply ko.

"Di ko macontact ang roommate ko tapos curfew hours na sa dorm." paliwanag niya.

"Sige. San ka ba?" tanong ko.

"Malapit na sa inyo."

Hinintay ko siyang dumating at pinatuloy ko siya sa aking kwarto.

Mabuti nalang at nakapaglinis ako kaya disente tignan ang kwarto ko.

"Di ba pwede sa iba?" tanong ko.

"Ikaw lang ang nagreply eh." sabi niya. "Pwedeng makigamit ng banyo? At damit."

Tumingin ako ng pwedeng ipahiram na damit at binigay sa kanya. Inayos ko ang kama na tutulogan namin at nauna na akong nahiga.

Given PrerogativeWhere stories live. Discover now