Chapter 5:

3.5K 113 0
                                    

Aspher's POV

Sa unang pagkakataon, maaga akong nagising sa araw ng sabado. Mahimbing ang naging tulog naming dalawa kahit na ganun ang nanguari kagabi.

Tulog padin siya noong sinimulan ko ang araw ko. Tinignan ko ang oras at malapit nang sumilat ang araw.

Niligpit ko lang ang sinuot kong damit kagabi para ihanda na labhan. Pagkatapos ay pumunta ako sa paborito kong tambayan.

Kumuha ako ng jacket at lumabas pamunta sa balcony. Binuksan ko ang phone ko at sinimulang manood sa YouTube habang inaantay na umakyat si araw.

"Aga natin a." sabi ni Justin na kagigising lang.

"Morning!" bati ko. Tumingin ako sa kanya ng madalian lang pero bumalik ang atensyon ko sa aking pinapanood.

Nanaig ang katahimikan sa aming dalawa. Ako ay nanunuod habang siya ay dakasandal at ginagawa kung ano man ang ginagawa niya sa phone niya.

"Aspher?" saad ni Justin kaya ako ay napatingin. "About dun sa nangyari kagabi..."

"Ya. Sorry." maikli kong sabi.

"Hindi! I mean... Dapat ako ang nagsosorry." sabi niya. "Sorry!" alam ko na seryoso ang pagkasabi niya.

Ngumiti lang ako bilang sagot. Tumabi siya sa akin tas biglang akong inakbayan. "Friends?" sabi niya.

"Best Friends!" nakangiti kong sabi.

Bumalik ang paligid namin sa normal. Nawala ang awkward ng ganung kabilis at ngayon ay nag-aasaran na kami.

"Pero alam mo, masarap ka humalik." sabi ni Justin.

"Akala ko ba tapos na tayo sa topic na yan? Move on!" pahayag ko naman.

"Complement na nga yun, ayaw mo pang tanggapin." sabi pa niya.

"Ewan ko sayo." sabi ko. "Gutom ka ba? Tara kain." suhesyon ko.

"Okay!" sabi niya. "Pero paano sina tita?" kinakabahan niyang tanong.

"Ano ngayon?" saad ko. "Tayo na!"

Bumaba kami at naabutan namin si kuya na nakapangjogging at papalabas na habang si Ate at mama ay busy sa kusina habang si tatay ay nasa labas at inaayos ang sasakyan.

"Morning!" bati ni kuya. "May bisita pala tayo. Hi, Justin." dagdag pa niya.

"Hello po!" maamong bati naman ni Justin.

"Parang narinig ko ang pangalang Justin." sigaw ni ate sabay silip mula sa kusina. "Hi! Justin." sabi niya.

"Hi, ate!" sabi naman ni Justin.

"Sabi sayo okay lang eh." sabi ko kay Justin.

Naglakad kami hanggang sa napadpad kami sa kusina. Saktong tapos na sina mama sa pagluluto.

"At sino ang gwapong bisita natin?" sabi ni tatay na tinawag ni ate kanina.

"Hello po tito." bati naman ni Justin.

"Ikaw pala ang pinuntahan nito kagabi at kailangang tumakas." pang-asar ni daddy.

"DAD!" pagsuway ko. "Kain na diba? Sinong magpapray?" sabi ko.

Masaya kaming nagsalo-salo kasama si Justin na parang kasama sa pamilya.

Tinapos namin ang almusal at bumalik sa aking kwarto. Agad nagpalit si Justin pagkatapos maligo para umuwi.

Magkikita-kita pa naman kami mamaya para sa project namin na ipapass na sa susunod na Byernes.

Kaming tatlo nina Justin at Russell ang magkagrupo. Mabuti nga iyon at kakilala ko ang natapat sa akin. Sina Bella at Alfed naman ay magkagrupo kaso ang isang myembro nila ay parating lumiliban sa klase.

Given PrerogativeWhere stories live. Discover now