Chapter 4:

3.5K 128 0
                                    

"Tabi ba tayong matutulog?" tanong ng bagong ligo na si Justin.

"Malamang. Saan pa ba? Parang ilang beses na tayong nagtabi kapag sleep over a." sabi ko naman habang nagbobrowse sa aking social media account.

"Nagtatanong lang. Malay ko ba kong papatulogin mo ako sa sahig." sabi niya habang naglalakad papunta sa isang side ng kama.

"Yung girlfriend mo pala. Bat hindi ka dun pumunta?" tanong ko.

"Edi nalaman na niya na nag-inuman tayo." paliwanag niya.

"Sabagay." maikling saad ko.

Nahiga din siya sa tabi ko pero nakaharap sa akin kaya napatingin ako kasi alam kong may tatanungin siya.

"Sino yung crush mo?" pang-uusisa niya.

"Di pa ba tayo tapos diyan?" pag-iwas ko na sagutin ang tanong.

"Sagutin mo na kasi, kung sasabihin mo sasabihin ko din yung sa akin." pagdidiin niya sa topic.

"Seryoso ka talaga nuh? Tingin ko naman alam mo na kung sino." sabi ko.

"Ako?" namula ako sa sinabi niya pero pinanatili kong hindi maging awkward ang paligid.

"Yan naman pala eh. So, sino naman sayo?" sabi ko.

"So ako nga?" sabi niya.

"Oo nga. Pero crush lang yun, period!" pahayag ko. "Sino na?" tanong ko naman.

"Ha? Ang alin." pang-asar niya.

"Anduga mo." sabay tulak sa kanya pero masyado siyang malakas para mahulog sa kama. "Sino na kasi?"

"Wala! Tulog na tayo." sabi niya habang tumatawa.

"Eisshh!" tinadyakan ko siya sa may pwet nung saktong nakatalikod siya sa akin tapos hinila ang kumot.

"Aray!" hinihila niya ang kumot pero nakikilag agawan ako. "Sige! Hahalikan kita!" pagbabanta niya.

"Kung kaya mo!" matapang kong sabi.

"Talaga lang ha!" umupo siya tapos biglang hawak na niya ako sa magkabilang kamay at nasa aking ibabaw.

"K, fine. Eto na." sabi ko agad at agad umalis sa pagkakaipit sa akin.

Nahiga siya at sa tingin ko ay matutulog na. "Good Night!" saad niya.

"Night!" sabi ko. "Anong pakiramdam na nalaman mo na crush kita?" tanong ko.

"Wala lang. Crush lang naman sabi mo diba?" maikli niyang sagot.

"Ganun! Sige tulog ka na." sabi ko.

Crush ko nga ba siya? Nilapag ko ang aking cellphone at humarap sa kanya habang nakahiga.

Bat kasi ang gwapo mo. Pero napapaisip ako, crush lang ba talaga kita? Kaso, ayon sa nararamdaman ko hindi lang ito paghanga eh.

Pero alam kong hanggang magkaibigan lang kami at higit sa lahat may jowa na siya.

Matutulog na sana ako pero nanatili akong nakatitig sa maamong mukha niya. Shocks! Bakit kasi ang gwapo niya talaga.

"Baka matunaw ako niyan." sabi ni Justin na nahuli akong nakatingin at titi na titig sa kanya.

"Hehe! Funny!" sabi ko kahit namumula na ako.

Pero hindi siya bumalik sa pagtulog. Bagkus, nanatili kaming nagkatitigan.

Ako naman ay nakipagtitigan, nanunuyo ang lalamunan at parang gusto kong ilapit ang mukha ko.

Di ko namalayan na unti-unting gumalaw ang ulo papalapit sa kanya. Kinakabahan ako na baka tumanggi siya ngunit hindi gumalaw ang mukha niya.

Inunti-unti kong pinikit ang mga mata ko na siya ding ginawa niya.

Sa unang pagkakataon, naglapat ang mga labi namin.

Di lang ako ang gumalaw ngunit kaming dalawa ay sumasabay sa ritmo ng aming halikan.

Biglang huminto ang lahat ng pinutol niya. "Tulog na tayo." sabi niya sabay talikod mula sa akin.

Nalungkot ako pero hinayaan ko nalang, tumalikod at hinayaan ang sarili na matulog.

Given PrerogativeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon