Chapter 8:

2.9K 97 0
                                    

Justin's POV

"Paano ko ba ito sasabihin." sabi ko sa sarili ko.

Di ko masabi-sabi ang totoong dahilan kong bakit kami naghiwalay. Ang totoo ay hinayaan ko ang sarili ko na mainlove sa isang matalik ko na kaibigan. Ang malala pa niyan nainlove ako sa kapareho ko ang kasarian. Kaya ngayon pati ang seksualidad ko ang malaking tandang pananong.

"Tara na." anyaya nina Russell para matulog na kaso wala pa ako sa mode para matulog.

"Tayo na." sabi naman ni Aspher ng makita akong di pa tumatayo.

"Sige lang. Mauna na kayo." sabi ko kaya nagsimula siyang naglakad na inalalayan ni Alfred dahil paika-ika. "Saglit. Justin!" sigaw ko na dahilan para tumalikod siya. "Pwede bang maiwan ka saglit. Please!"

"Okay." naglakad ito pabalik at umupo sa tabi ko. "So, anong problema?"

"Wala. Samahan mo lang ako." nakangiti kong sabi. "May tanong lang ako."

Nakangiti lang siyang tumingin sa akin.

"Paano mo masasabing bi ang isang tao?" panimula ko.

Napalitan ang ngiti niya ng pagkalito pero sineryoso ko ang mukha para ipakita na hindi ako nagbibiro.

"Well, kapag bi, nangangahulugang nagkakagusto ka sa babae at lalaki. Nakakalito nuh." sabi niya. "Wait! May aaminin ka ba sa akin?" pang-uusisa niya.

Napalunok ako sa sinabi niya. Hindi alam ang tamang mga salita upang simulan ang aking sasabihin. "Uhhmm. Paano kong sabihin kong nagkagusto ako sayo? Masasabi bang bi nadin ako?" sabi ko.

Nakita ko ang namula niyang mukha pero andun padin ang nalilito niyang itsura.

"Hindi. Magkaiba kasi ang sexual orientation at gender preference. Masasabi mong straight ka padin kapag nagkagusto ka sa bakla... Bakit?, kapag ako nainlove sa lalaki, diba bakla padin ako. Kagaya mo, nainlove ka sa bakla pero lalaki ka padin." paliwanag niya. "Para saan ba itong mga tanong mo?" tanong niya.

"Ang totoong dahilan talaga ng paghihiwalay namin ay dahil nagkagusto ako sa isang tao at yung taong yun ay kasama ko ngayon." sabi ko.

Kita ko sa mukha ang pagkagulat. "Bakit?" maikli niyang tanong. "Bakit ako?"

"Ewan ko nga din eh." maikling sagot ko.

Di ko inaasahan na mauubusan ako ng sasabihin at ilang segundo na nanatiling nakatikom ang aming bibig.

Nag-aalanganin ako pero kamay ko na ang unang gumalaw para sa akin. Hinawakan ko siya sa kanyang baba.

Nagkatitigan kami, binabasa ko ang mata niya. Nakakaakit tignan ang kanyang mga mata, mapungay pero kita ko ang saya sa pagkatao niya.

Nilapit ko ang mukha ko para halikan siya. Sa unang mga segundo ay hindi gumalaw ang mga labi niya.

Pinutol ko ito, tinignan sa mukha at muling hinalikan. Sa pagkakataong ito, kapwa kaming nasa gitna ng sarap ng halikan.

Hawak ko siya sa batok habang siya ay hawak ako sa gilid ng aking leeg.

Nakarinig ako ng tili na parang kinikilig sa di kalayuan. Agad binawi ni Aspher ang labi niya kaso hindi ako pumayag kaya hinawakan ko siya sa batok at muling hinalikan.

Binawi niya ulit sabay salita. "May tao." sabi niya.

Pareho kaming tumingin sa loob ng villa at nakita namin ang mga nanonood naming mga kaibigan.

Given PrerogativeWhere stories live. Discover now