Chapter 37:

1.2K 51 0
                                    

Justin's POV

Hawak-hawak ko sa kamay si Aspher. Umalis muna sina ate Ashley at Tom para kumain muna daw. Ang alam ko ay naroon din sina Bella sa canteen na kumakain pati ang magulang niya.

Kaya solong-solo ko si Aspher. Namumuo ang luha sa mata ko habang hawak-hawak ko siya at nakatingin sa kanyang mukha.

"Ano bang ginawa ko?" tanong ko sa sarili ko. Habang tinitignan ko siya mas lalo kung sinisisi ang sarili ko. Puno ng "sana...".

Ramdam ko ang init ng kamay niya habang hawak ko ito then suddenly, naramdaman ko na gumalaw ang isang daliri nito.

Di ako pwedeng magkamali. Alam ko ang naramdaman ko kaya biglang nabuhayan ako - pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko dahil excitement at kaba.

Takatitig at tutok na tutok ako sa susunod na mangyayari hanggang sa maigalaw niya muli ang kamay niya at kasunod ay ang paggalaw ng ulo niya.

Yung kaninang nakapikit ay unti-unting dumidilat.

Napahigpit ang hawak ko sa kamay niya noong bumukas ang mga mata niya. Tumingin muna ito sa paligid bago sa akin.

Nagtama ang aming mga mata na dahilan para tumulo ang isang butil ng luha.

Kita ko sa mukha niya ang pagkalito sa kung ano ang nangyayari. Tanging pag-iyak nalang ang nagawa ko.

Bwisit naman! Kalalaki kong tao iyakin.

Pero umiiyak ako dahil sa sobrang saya.

Nanatili siyang nakatitig sa akin yung para bang hindi siya sigurado sa lahat ng nangyayari.

Biglang nawala ang ang saya ko, napalitan ng pag-alala na baka hindi niya ako maalala pero biglang nawala ng banggitin niya ang pangalan ko. "Justin!" biglang tumulo ang luha nito.

Humigpit din ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

Bumukas ang pinto papasok sa loob at nakita ko na pumasok ang mga magulang niya kasama si Kuya Ashton.

"Yung anak ko gising na!" biglang bumuhos ang emosyon ng nanay niya kaya minabuti ko na tumayo muna at humakbang patalikod para bigyan nila ng espasyo.

"Tatawagin ko po ang doctor." pagbuluntaryo ni kuya Ashton sabay labas.

Sumunod naman na lumapit ang masayang ama ni Aspher at tinabihan ang asawa habang kinukumusta ang anak.

Masaya akong makita na gising na siya at pangiti-ngiti sa kanyang mga magulang.

Naunang dumating ang doctor at ilang nurse para tignan ang kalagayan ni Aspher at kasunod lang nila ang barkada na sina Bella, Russell, Jackie at Alfred na kapwa nakangiti.

Lumapit sila sa kinatatayuan ko habang pinapanood namin ang ginagawa sa kanya ng doctor.

Nagyakapan kami isa-isa habang panay ang tulo ng luha nina Bella at Jackie.

Ngayong nakabalik na si Aspher, "operation: ligawan si Aspher" is officially on. Well, pagkatapos niyang makapagpahinga at magpalakas.

"Hayaan niyo lang po muna siyang magpahinga." bilin sa amin ng doctor. "Pasalamat po tayo kasi mabilis ang paggising ng anak. Rare case sa mga coma patient ang magising ng ganito kaaga. Just don't ask him too much questions. Coma patients always undergo with confusion pagkatapos nilang magising at the same time mananatili lang muna siya sa hospital for recovery." saad ng doctor bago umalis.

Given PrerogativeWo Geschichten leben. Entdecke jetzt