Chapter 44:

1.1K 41 0
                                    

Justin's POV

"Basta, pumunta ka ngayon dito." medyo napataas ang boses ko kay Aspher.

"Ano bang problema?" sabi niya sa kabilang linya.

"Ikaw! Ikaw ang problema." inis na saad ko.

Pagkatapos niya akong tulogan kaya di kami natuloy sa panunood tapos ngayon tinatamad daw siyang pumunta dito.

"K, fine! Pupunta na, bitch." sabi nito.

Bitch! Sino ang bitch ngayong ikaw ang nakikipagkantutan sa kalagitnaan ng gabi at sa ibang tao pa.

"Watch out your words. Bye." sabi ko sabay patay sa tawag.

Nagsisimulang magdilim ang paligid ng makarating si Aspher sa condo ko.

Diretso lang siya sa pagpasok papunta sa sala. Tinaasan ako ng kilay na para bang tinatanong kong ano ang problema.

"Nag-enjoy ka ba kagabi?" sabi ko.

Kita ko na nag-iba saglit ang expression ng mukha niya.

"O-oo naman. At least kasama ko kayo tapos kumpleto tayo." sabi niya.

"Hindi yun ang tinutukoy ko." kita ko ang kaba sa mukha niya sa sinabi ko.

"Pwede ba diretsuhin mo ako!" sabi niya.

"Tsss. Alin ang mas masarap, titi ko o titi ni Russell?" diretso kung tanong.

Base sa nakikita ko, halata na nagulat siya na may halong kaba.

"What?" ito na naman siya sa painosenteng mukha niya.

"Oh please! Huwag kang mag-maang-maangan." medyo naiinis na ako.

"Kung nakita mo, bat wala kang ginawa?" usisa niya.

"Gusto mo bang magpakita ako? Ano? Pagkatapos magkakagulo, yun ba ang gusto mong mangyari." napataas boses ko.

Napayuko siya at umiling, "Hindi... Patawad." sabi niya.

Ngumisi nalang ako at niyakap siya dahil halos paiyak na ito at ayoko siyang nakikita na umiiyak at makakasagabal ito sa plano.

----------

Nakalipas na ang ilang minuto at dumating na si Russell.

"Pasok!" anyaya ko sa kanya.

Agad naman siyang pumasok. Si Aspher ay naliligo pa lamang kaya kaming dalawa muna sa sala.

"So anong balak?" tanong ni Russell.

"Mag-eenjoy lang tayo. Pero antayin muna natin si Aspher dahil naliligo pa." sabi ko. "Nga pala, magluluto muna ako. Manood ka lang kung gusto mo pero pwede ka din namang sumama."

"Luto nalang tayo. Ano lulutuin?" tanong nito.

"Pasta." maikling sagot ko.

"Tara." sabi niya.

Naglakad na kaming dalawa papunta sa kusina para simulan ang pagluluto ng mga pinamili ko kanina.

Di din nagtagal ay natapos na sa pagligo si Aspher.

"Russell? Andito ka pala." takang tanong ni Aspher.

Ngumiti lang ito kay Aspher tapos tumingin sa akin na para bang natatakot siya sa presensya ko.

"Anong niluluto niyo?" sabi niya habang pinapatuyo padin ang basang buhok.

"Paborito mo." sabi ko.

"Okay!" sabi nito pagkatapos ay bumalik ito sa kwarto ko.

----------

Naging tutok ako sa pagluluto hanggang sa di ko namalayan na wala na pala si Russell na kasama ko lang kanina.

Kaya pagkatapos maluto ng sauce, pinuntahan ko na agad sila sa may sala.

Tahimik lang akong lumapit at nakita ko sila na pabulong mag-usap.

Hindi ko man naririnig lahat pero alam ko na tungkol sa akin ang pinag-uusapan nila.

"Ang weird ni Justin ngayon." narinig kong sabi ni Russell na saktong napalingon si Aspher sa aking kinatatayuan.

"Luto na." sabi ko nalang na kunware wala akong narinig.

Given PrerogativeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon