Chapter 43:

1.1K 42 0
                                    

Russell's POV

One word to describe the feeling - awkward plus selos.

Talagang pinamukha sa akin ni Aspher na wala lang sa kanya ang nangyari kagabi.

Sinalubong ba naman ang araw ko na magkahawak sila ng kamay, pinagtimplahan pa ng kape tapos ngayon at sweet na sweet na nakikipagkwentuhan sa amin.

----------

Pagkatapos magpaalam kanya-kanya na kaming uwi. Pero ako ay pumunta muna sa mall para bumili ng bagong damit.

Habang namimili ng jeans ay biglang may tumabi sa akin. Paglingon ko, si Justin.

"Di mo sinabing lalabas ka pala ngayon." sabi niya.

"Di ko naman alam na lalabas ka din." sabi ko.

Biglang natahimik kaming dalawa habang tinitignan ko ang gusto kung pantalon.

"Bakit mo yun ginawa?" bigla akong kinabahan sa tanong niya.

"Huh! Ang alin?" nag-aalanganin ko na sagot.

"Tsss." umiling siya, "Huwag ka ng magmaang-maangan. Kitang-kita ko kayo kagabi."

Booomm! Ng dahil sa kalibugan mukhang maiipit na naman ako sa isang gulo.

Alam ko na may galit sa salita niya.

"Nakita mo?" shit! Ano sasabihin ko? "Sana huwag kang magalit kay Aspher, ako ang may kasalanan."

Ayokong madamay si Aspher sa kagaguhan ko.

"Sino ba ang may sabing galit ako kay Aspher." sabi nito, "Negseselos, oo pero di pa naman kami ni Aspher."

"Pero kapag kami na, akin lang siya." pagbabanta nito.

"Wala naman akong balak agawin sayo si Aspher eh. Talagang libog na libog lang talaga ako kagabi." paliwanag ko.

"Tapos ka na ba mamili?" tanong nito.

Hawak ko na ang dalawa kong pinili na jeans.

"Sukat ko lang." sabi sabay paalam.

Pumunta ako sa bakanteng fitting room, sinabihan ang staff kung may mas malaking size ng isang tattered jeans na masyadong masikip.

Naabutan ko si Justin sa may counter at inaantay ako. Nagbayad na ako at sumabay kay Justin.

Kahit na awkward, sumama padin ako sa kanya dahil talagang inantay niya ako kahit sinadya ko na tagalan sa fitting room.

"Saan ang lakad natin?" pagputol ko sa katahimikan.

"Ikaw? May plano ka ba mamaya?" tanong niya.

May plano ba ako? Mukhang wala naman.

"Sa condo lang ako buong araw." sabi ko.

"Baka gusto mong pumunta sa condo ko." suhesyon niya.

Magkatabi lang na building ang kinatitirikan ng condo naming dalawa kaya hindi ako makahindi.

"Sige ba. Anong meron?" tanong ko.

"Basta. Punta ka nalang." sabi niya.

Pareho na kaming naglakad papunta sa condo since malapit lang naman ito at isa pa ay malala ang traffic.

Palapit na kami ng palapit sa condo. "Anong oras ako pupunta sa inyo?" tanong ko.

"Siguro? After lunch nalang kasi baka yun ang uwi ko." sagot niya.

"San ba lakad mo?" tanong ko ulit.

"Magkikita lang kami ni Aspher tapos baka manood kami ng movie sa sinehan. Maganda kasi ang mga palabas ngayon." sagot niya ulit.

Bakit parang pakiramdam ko pinagmumukha nila sa akin ang pagmamahalan nila?

Alam ko naman eh. Tanggap ko na, matagal na.

At least ako kapag mag-aaway silang dalawa pwede akong takbuhan ni Aspher kung saka-sakali lang naman pero bilang kaibigan sa magtagal sila.

Given PrerogativeWhere stories live. Discover now