Chapter 42:

1.4K 42 0
                                    

Aspher's POV

Mabibilang na ba ako sa tinatawag ng iba na malandi?

Kahit na alam ko na ibang tao ang kasama ko kanina ay hindi ako nakapagpigil at nagpalamon sa kalibugan.

Pagkatapos pa ng nangyari ay hindi ako nakaramdam man lang nang pagsisisi bagkus sayang-saya pa ang nag-uumapaw.

Alam ko na mahal ko si Justin pero di ko maexplain kong ano ang ginagawa ko sa ngayon.

Pagkatapos ng nangyari, kumuha ako ng paper towel at pinunasan ang aking pwetan sabay hablot sa aking mga damit.

"May gusto ka bang sabihin?" sabi ko habang nagpapalit.

"Salamat." maikling sagot niya pero hindi yun ang gusto kong marinig kaya nanatili akong nakatingin at nag-aantay ng sagot. "...totoo bang kapag nasa coma ka naririnig ko ang nasa paligid mo?"

"Siguro?" sabi ko.

"Paanong siguro?" tanong naman niya.

"Mahirap sabihin, mahirap ipaliwanag. Yung pakiramdam na parang panaginip ang lahat pero lahat hindi tumatatak. Actually, alam ko na narinig ko ang boses mo tas alam ko na may oras na hawak-hawak mo kamay ko." paliwanag ko.

Kahit na di gaano kaliwanag alam ko na namula siya. "Ganun. Edi alam mo na mahal kita." sabi niya.

"Hindi." maikling sagot ko.

"I mean, b-bilang kaibigan." medyo nauutal niyang saad.

"Haha. Huwag ka na magpalusot, alam ko. Siguro aware ka naman na may something sa pagitan namin ni Justin." sabi ko.

"So, ano ang itatawag ko sa nangyari kanina?" sabi niya na dahilan para ako'y mapaisip nalang bigla.

"Ewan. Ikaw? Ano itatawag mo?" saad ko.

Nagkibit balikat lang siya kaya naglakad na ako pataas at iniwan siya na magpalit.

"Aspher!" tumalikod ako, "Mauulit ba ito?" tanong niya.

"Baka? Pero tingin ko hindi." nakangiting sabi tapos tumaas na ako para tumabi kay Justin.

----------

Sa paggising ko kinabukasan bigla akong nakaramdam ng matinding guilt nang makita ko ang mahimbing na natutulog na si Justin na nasa tabi ko.

Habang titig na titig ako bigla itong dumilat at ngumisi. Akmang hahalikan niya dapat ako pero pinigilan ko siya.

Tinakpan ko ang bibig ko, "Di pa ako nagtotooth brush." sabi ko.

Tinuro niya ang pisngi niya kaya tinapat ko ang pisngi ko sa labi niya tapos yun ang hinalikan niya.

Pero nagiguilty padin talaga ako. Mas lumala pa ang sitwasyon nung bumaba kami ni Justin at naabutan namin sina Russell, Bella at Lea na nagtatawan sa kusina habang nagkakape.

Nagkatitigan kami ni Russell pero umiwas agad ako at napahawak nalang sa kamay ni Justin kaya hawak-kamay kaming lumapit sa kanila.

"Anong gusto mo, kape, tea, milk, or hot chocolate?" tanong ni Justin sa akin.

"Tea nalang tapos lagyan mo din ng milk." saad ko.

Agad siyang kumuha ng dalawang mug at nilagyan ng mainit na tubig, tea bag, kunting sugar at fresh milk.

"Musta gabi natin?" tanong ni Lea.

"Medyo puyat." sabi ko.

"Bakit ka kasi nagpuyat. Anong ginawa mo?" tanong ni Justin.

Bigla akong napainom at halos maibalik ko ito dahil sa pagkapaso.

"Ang init!" reklamo ko.

"Dahan-dahan kasi." saad niya.

Napatingin ako kay Russell bago sumagot, "May iniisip lang ako kagabi."

Given PrerogativeWhere stories live. Discover now