Chapter 20:

1.7K 58 0
                                    

Aspher's POV

"Tara walwal!" suhesyon ni Casper sa amin.

Kasama ko ang dalawang babae kong pinsan at dalawa pang lalaking pinsan kasama na si Casper.

"Game!" saad naman ni Cathy, pinsan ko sa side ni Papa.

Kanya-kanya kaming paalam. Nagpasyal muna kami sa isang malaking mall para kumain ng Korean foods.

Hindi din namin pinalampas ang maglaro sa may malapit na theme park.

Gumastos kami para makasakay sa mga rides na gustong-gusto naming sinasakyan noong nasa high school pa kami.

Pero sa tingin ko ay hindi pa matatapos ang gabing ito sa theme park at mga rides lang.

Kumain muna kami ng mga street foods bago kami dumiretso sa kung saan namin tatapusin ang aming gabi.

Pagkalubog na paglubog ng araw, nilakbay na namin ang kalsada papunta sa paborito ko na club at dun kami pupunta dahil andun ang paborito kong dj na nakakatandang kapatid ng ex ni Jackie.

Nakapasok na kami sa loob at nagkukumpulan na ang mga tao. May mga taong tudong-tudo ang enerhiya sa pagsasayaw at mga naupo at nagrerelax lang sa gilid.

Sa wakas at may naupuan na kami. Nagsisimula palang ang gabi pero madami na ang tao.

"Grabe! Full-packed ang mga tao." saad ni Cathy.

Kanya-kanya na silang order ng cocktail drink at naiwan ako mag-isa na nakaupo ng biglang napalitan ang kanta - ang paborito kong kanta na pangsayaw.

"Tara sayaw!" anyaya nilang apat.

"Nakakatamad!" saad ko.

"Lika ka na. Walang kj sa araw na ito at hindi ako papayag." daldal ni Cathy.

"Fine. Oo na. Matigil ka lang sa kakasalita." saad ko.

Tumayo naman ako at nakisabay sa kumpol-kumpolang mga tao na nakikisaya at sumasabay sa beat ng kanta.

Kaming lima ay masayang sumasayaw at nag-aasaran, tulakan, tawanan, tuksuan. Wala kaming pakialam kong may masiko kami o malamaan o mabangga man.

"Hoy! Ayusin mo sayaw mo." saad ni Casper kay kati na kanina pa nag-aasaran.

Buti nalang at walang pikon sa grupo ng tao na nakakasalamuha namin sa gitna na dance area.

Sa papalit-palit ng makukulay na ilaw ay may naaninag akong isang pamilyar na mukha.

Tinigil ko pa ang sayaw ko para siguraduhin na tama ang nakikita ko at hindi lang ako namamalik mata.

Nakipagsiksikan pa ako sa gitna ng mga sumasayaw para makalapit. Papalapit palang ako at sigurado akong si Justin ang nakikita ko.

Nakaupo siya at masayang nakikipagkwentuhan sa apat pang kalalakihan. Kumaway ako pero hindi ata niya makita dahil sa medyo nakatagilid siya.

"Justin!" sigaw ko pero humahalo sa lakas ng tugtog ang boses ko kaya humakbang pa ako papalapit hanggang sa makalabas na ako sa nagkukumpulang mga sumasayaw.

May narinig akong tumawag sa akin mula sa likod at nakita ko na kumakaway si Cathy.

"Saglit lang." sigaw ko na sa tingin ko ay narinig dahil sinenyas niya na babalik na daw sila sa kinauupuan namin kanina.

Lumakad na ako pero dumaan ako papunta sa may likuran niya para gulatin dapat siya ng natigilan ako sa mga narinig ko na galing sa bunganga niya.

Given PrerogativeWhere stories live. Discover now