Chapter 35:

1.3K 48 0
                                    

Justin's POV

"Huwag kang mag-alala. Iuuwi na nila si Aspher." mahinahong saad ni Bella sa akin.

Ngumiti lang ako bilang ganti.

Masaya ako dahil sa wakas ay mapagdesisyunan nilang iuwi si Aspher.

Dumaan na din ang Pasko pero kahit papaano ay nakapagdiwang kami kahit wala siya sa piling namin.

Dalawang linggo na din ang nakalipas pagkatapos ng aksidente pero hindi padin nagigising si Aspher.

Kababalik ko lang dito sa syudad pagkatapos kung magpasko sa aming probinsya.

Sa oras na ito, magkasama kaming tatlo - ako, si Bella, at si Russell.

Sina Alfred at Jackie ay nasa probinsya pa nila at sa susunod na linggo pa sila darating.

Kahit papaano, napagpatuloy padin namin ang aming kanya-kanyang buhay pero it would be better if Aspher is doing well.

Huh! Namiss ko na siya, to tell you honestly. Not the time na kalibugan na namumutawi sa pagkatao namin pero yung naging pagkakaibigan namin at yung mga oras na kami lang ang magkasama bago pa kami nagkaamin. I miss those days!

----------

Mabilis dumaan ang mga araw. Ngayon ay hinihintay ko ang balita tungkol sa pagdating nina Aspher kay Bella.

Sa araw kasi na ito ay naglilipat ako ng gamit dahil napag-isipan ko na manirahan nalang sa condo.

Narinig ko ang pagvibrate ng cellphone ko.

"Hello?" bungad ko kay Bella sa telepono.

"Nakarating na sila. Papunta na kami." sabi ni Bella sa kabilang linya.

"Sige! Mauna na kayo. Sunod nalang ako pagkatapos kong ayusin ang ibang gamit."

Pinutol ko ang tawag at aligagang matapos ang ang pag-ayos na aking gamit.

Mas lalo akong nasabik na makita muli siya. Maaaring di niya gugustuhin na makita o marinig man lang ako pero may plano ako.

Sa katunayan, nakwento ko na sa aking magulang, kapatid at pinsan ang aking nararamdaman kay Aspher at lahat ay supurtado sa laban ko. And that is the start.

Sa pagmamadali, agad akong natapos at daglian lang ang biyahe papuntang hospital.

Magtatanghali na noong nakarating ako at naabutan ko na nagbabantay si ate Ashley habang nagbabasa ng libro at isang di ko kilala na lalaki.

Pakiwari ko ay kamag-anak nila ito dahil di maipagkakaila na siya'y magandang lalaki at may lahing foreigner.

"Justin!" bungad sa akin ni ate Ashley pagkakita sa akin na sumisilip sa pinto. "Halika! Pasok."

"Hello po ate." nakangiti kong salubong sa kanya tapos nakipagyakapan.

Biglang tumayo naman ang lalaki kaya napatingin ako sa kanya.

"Oh! Justin, meet Tom. Tom, meet Justin." pagpapakilala sa aming dalawa.

Nilahad ko ang aking palad para makipagkamay na tinanggap naman niya ng nakangiti.

"Nice to finally meet the one and only Justin." sabi nito. "I've heard a lot from you."

"Oh! Is that so." sabi ko naman.

Nais ko sanang tanongin kong anong mga nakwento sa kanya tungkol sa akin.

"Don't worry! No judgement." sabi niya na tila nabasa ang iniisip ko.

Pagkatapos ng maliit na pagpapakilala agad hinanap ng mga mata ko ang mukha ni Aspher.

Bigla akong naawa sa nakita ko. Halata pa din ang mga pasa nito sa mukha - meron sa noo, pisngi.

Given PrerogativeWhere stories live. Discover now