Chapter 30:

1.6K 54 0
                                    

Aspher's POV

Damn! That is so hot! Pagkatapos ng mabilisang pahinga, bumangon na kaming dalawa at muling nagdamit.

Oh, shit! Nakarecieve ako ng tawag galing kina daddy at mommy pero di ko nakita.

Agad ko silang tinawagan para alamin kong ano ang nangyari at napatawag sila.

"Hello ma!" bungad ko nagkasagot niya. "Bakit po tawag kayo ng tawag?"

"Di na kami makakauwi sa bahay, sasamahan naming magcelebrate ang kuya mo dahil successful ang proposal niya." sabi nito sa kabilang linya.

"Wow! Pakisabi kay kuya at ate na congrats!" masaya kong saad.

"Sige bye! Papasok na kami sa studio." masayang sabi nito.

"Studio?" tanong ko.

"Manonood kami ng daddy mo at treat din namin sa parent ng pakakasalan ng kuya mo. Andito kami sa show ni James Corden." sabi nito.

"Okay! Bye!" sabay patay ng tawag.

Nauna na si Ethan sa labas at sumunod ako pagkatapos.

Kung minamalas ka nga naman oh! Pagkalabas ko ay dun ako nakaramdam na parang paakyat at inimom ko sa aking lalamunan.

Bago ko pa masukaan ang sinuman, agad akong dumiretso sa banyo ang luckily, walang tao.

"Oh my ghad! Andungis mo Aspher!" sabi ko sa salamin.

Inayos ko ng kaunti ang buhok ko, naghilamos. "Yan! Fresh!" dagdag ko pa.

Lumabas na ako at hinanap sina Tom para makauwi na.

"Hey! I was looking for you." salubong sa akin ni Ricky. Nasa likod naman niya si Tom.

Ngayon ko lang napansin na kakaunti na pala ang tao, meaning, uwian na.

Nagpaalam kami kay Ethan, sa ibang mga bago kong nakilala bago umuwi.

Ako ang nakaupo sa passenger seat, si Ricky ay nasa likod at tulog, si Tom naman ang nagdadrive.

Nakakailang kanto palang kami pero hindi ako kampante sa pagdadrive ni Tom. Halata padin na may tama siya.

"You sure you can do it?" tanong ko.

"Hmmm" sabi niya.

Di padin ako kampante. "Let me drive." sabi ko.

"I'm okay!" pagkasabi niya nun ay bigla niyang hininto ang sasakyan dahil sa may dumaang aso.

Pagkatapos ay umandar pa siya. "That's it! I'm driving!" sabi ko sabay tanggal ng seat belt at nakatingin sa kanya.

Tumingin din ito sa akin na larang sinasabi na "Ayoko!".

Inapakan pa niya ang gas kaya medyo bumilis ang sasakyan pero nanlaki ang mata ko at kinabahan.

Papasok na kami sa isang intersection ng tumama sa mukha ko ang isang nakakasilaw na ilaw. Bumilis ang takbo ng puso ko at napakapit ako sa dashboard habang nakatingin sa mabilis na SUV na makakabanggaan namin.

Nawalan ako ng sasabihin at nanigas ang katawan ko sa sobrang panic. Huli na ang lahat para makahinto pa kami kaya tumama ang sasakyan sa sinasakyan namin.

Alam kong malakas ang impact, masyadong mabilis ang pangyayari.

Dahil sa inalis ko ang seatbelt, tumama ang katawan ko sa iba't ibang bahagi ng sasakyan.

Shit! Naghihinaing ang katawan ko sa sobrang dami ng nararamdaman kong sakit, hapdi.

Pagkatapos ng maingay naming banggaan, narinig kong may mga tao sa labas.

Nanghihina na ako, madaming dugo ang lumalabas sa katawan ko, di ko makagalaw. Tumingin ako sa paligid, si Tom walang malay, si Ricky naman ay iniinda ang sakit.

Dumandal ako, naririnig kong may papalapit na ambulansya pero pa sila makarating, hinang-hina na ako para manatiling nakadilat.

Given PrerogativeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon