Chapter 31:

1.4K 52 0
                                    

Justin's POV

Naging tambayan ko ang inuman sa loob ng tatlong araw mula noong umalis si Aspher. Nakakainis!

Inaalala ko ang huling nangyari sa amin bago siya umalis and guess what? Nakakagalit! Nakakapanghinayang!

Hanggang ngayon ay di maalis-alis sa aking utak ang video na iyon. Nag-uumalaw ang aking pagkaselos. Hindi ko kasi inaasahan na ganun ang sitwasyon, na hindi ako ang una niyang natikman.

Eto na naman tayo sa ego ko. Kung iisipin nga dapat wala lang iyon dahil ako ang sa present and worse, di pa kami nagkabati noong meron akong chance para magsorry.

Kumplekado na nga ang magmahal, edi mas kumplekado ang magmahal ng kapareho mo na lalaki.

Maghahating-gabi na naman, mag-isa lang ako dito na umiinom. Lahat ata ng kaibigan ko tinalikuran ako o baka ako lang ang lumayo.

Pagkatapos ng pagtatalo namin nina Russell dun na ako lumayo at iniwasan sila. Hindi dahil sa galit ako pero nahihiya ako sa kanila. Ako ang sumira sa pagkakaibigan namin.

Lintik kasi na kahihiyan yan! Ano ngayon kung pagduduhan ng tao ang pagkalalaki ko? Wala namang kabawasan iyon sa pagkatao ko.

Kahit lasing, nilakbay ko na ang daanan papunta sa dorm. Tinignan ko ang phone ko at dinial ang number ni Aspher.

Alam kong walang sasagot pero lasing ako eh. "Hi Aspher! Alam mo miss na kita."

Napaupo ako sa isang bench sa may gilid ng daanan. Medyo madilim ang paligid at kakaunti ang dumadaang sasakyan at tao.

"Siguro umaga na dyan nuh. Grabe! Namiss ko na ang labi mo... Hindi, lahat namiss ko." sabi ko sabay tawa na parang meron talaga siya na nakikinig.

"Uwi ka na o. Promise! Ipapakilala kita sa mga magulang ko, di bilang kaibigan kundi bilang boyfriend?girlfriend? Basta sasabihin ko na mahal kita at di ko ito itatago." sabi ko.

"Talaga lang a!" nagulantang ako sa narinig kong boses. Hindi galing sa telepono kundi galing sa kanan ko.

Nilingon ko ito at nakita ko ang nakangiting mukha nina Russell at Jackie.

"Sweet naman nun!" sabi ni Jackie na parang inaasar ako.

"Shut up!" nagkunwari akong di ko alam sinasabi nila kahit obvious.

Tumabi silang dalawa sa akin at pinagitnaan nila ako. "Ikaw! Parati kang nagsosolo." masayang saad ni Russell. "Dude! Pasensya ka na... About dun sa nangyari."

"Okay lang." sabi ko.

"Ayan! Peace na tayo." nakangiting sabi ni Jackie sabay tayo. "Ano? Tara na?"

"Saan?" tanong ko.

"Sa bahay." sabi ni Russell.

"Bakit?" tanong ko ulit.

"Tuloy padin ang plano kahit wala si Aspher." sabi ni Jackie.

Wow! Siguro eto nalang muna ang pagtuunan ko ng pansin - ang kaibigan ko.

Magkakaroon kami ng overnight kina Russell ng tatlong araw. Pagkatapos ay aakyat kami ng Baguio para dun magbakasyon bago ang Pasko kasi uuwi na ang lahat sa kani-kanilang probinsiya ang iba at kasama na ako doon.

----------

"And the drama king is back!" salubong sa akin ni Bella pagkarating namin kina Russell.

"Si Alfred?" tanong ni Russell.

"Natulog na." sabi ni Bella. "Paano niyo nahanap ang lalaking to?"

"Sinundan namin yan maghapon." sabi naman ni Jackie.

Given PrerogativeWhere stories live. Discover now