Chapter 39:

1.3K 49 0
                                    

Aspher's POV

It took me a month to fully recover at pwede nang mamuhay ng normal.

Pagkatapos ng New Year, bumalik na din si Tom para sa kanyang trabaho.

Kahit late na ay pinayagan nila akong mag-enroll sa unibersidad na pinapasukan ko.

For me, the big adjustment na kailangan kong harapin ay ang takot na nararamdaman ko sa tuwing sasakay ako ng kahit anong sasakyan. Kabilang din ang adjustment sa naging relasyon namin ni Justin.

Well, hindi pa kami ngunit nagsimula na siyang manligaw - officially. Setting things aside, nakapagpatawaran na kaming dalawa.

Pero may kakaiba nung bumangon ako kanina. Hindi ko mawari pero may something sa panaginip ko na hindi ko maalala pero napapaisip ako hanggang ngayon na nasa kalagitnaan ako ng klase.

----------

May handaan, maliban sa Biyernes ngayon ay kaarawan ni Bella kaya nasa bahay nila kami. Wala ang magulang niya kasi OFW ang nanay tapos nakiramay sa namatay na kakilala sa probinsya ang tatay niya at mag-isa lang niyang anak kaya amin ang bahay ngayon.

May iba pa kaming kasama maliban sa barkada, siguro nasa dalawampu kami ngayon.

Madaming hinanda si Bella para pamamaalam nila bilang teenager.

Nahati sa grupo ng kalalakihan at kababaihan ang bahay. Ang kababaihan sa kusina kaharap ang mga pagkain at wine. Ang kalalakihan naman ay nasa sala kaharap ang mga alak.

"Oh my ghad! Hindi ko talaga alam na may something kina Justin at Aspher." saad ng isa naming kaklase, si Janine.

"Buti ka pa may love life lahat kami dito na puro babae nganga." biro naman ng isa, si Lea.

"Gaga." sabi ko naman. "Darating din yan. Diba crush mo si Alfred?" tanong ko kay Lea.

"Shhh!" sabi naman niya.

Nagpatuloy kami sa kwentuhan hanggang sa umuwi na ang iba pero kumpleto ang kababaihan.

Dahil sa napasama ako sa usapan ng boys, napilitan akong uminon ng alak. Sa totoo lang nawala ang pagkabalisa ko kakaisip sa kung anuman ang inaalala ko kanina nung nakasama ko sila.

Puro kami tawanan buong gabi habang inuubos ang binili nilang alak. Ako naman ay katabi ko si Justin na nakaakbay sa akin.

"Magchacharge lang muna ako." paalam ko sa kanila.

Umakyat naman ako sa ikalawang palapag para dun magcharge sa kwarto ni Bella.

Paglabas ko ng kwarto, nakasalubong ko si Russell na may kalasingan na.

"Woah! Lasing ka na." sabi ko.

"Hmmm." napaangat ang tingin niya para makita ako. "Patunayan ko?" biro niya.

"Sige nga kung kaya mong sagutin ang square root ng one trillion, two hundred thirty-four billion, five hundred sixty-seven million, six hundred fifty-four thousand three hundred twenty-one (1,234,567,654,321)?" hamon ko.

"Andali-dali. Edi one million one hundred eleven thousand one hundred eleven (1,111,111)." sagot niya.

Tama naman siya. "K fine. Ikaw na matalino." sabi ko.

Nakangisi lang siya sa akin. Lalakad na sana ako pababa pero hinila niya ako sa kamay sabay hila.

Nabigla ako, ang sumunod na nangyari ay magkadikit na ang labi namin at napagitnaan na ako ng mga braso niya at ako ay nakasandal sa pader.

Given PrerogativeWhere stories live. Discover now