Chapter 11:

2.8K 85 0
                                    

Aspher's POV

"Thank you." paghingi ng pasasalamat ni Justin.

Ngumiti lang ako sabay halik sa kanya sa huling pagkakataon.

Hinayaan ko na siyang sumabay sa akin na maligo at agad na natulog.

----------

Kinabukasan ay sinalubong ako ingay na naggagaling sa pinapatugtog na kanta. Pagtingin ko sa cellphone ko ay alas otso palang.

"Respeto naman sa natutulog o." reklamo ko.

"Yung music daw, pakilakasan." pang-asar naman ni Russell.

"Yan kasi, puyat pa more. Yung isa din dyan, ayaw magising." dagdag pa ni Alfred.

Nag-unat-unat muna ako at napansin ko na wala ang dalawang babae.

"Sina Bella at Jackie?" tanong ko.

"Nasa labas kumukuha ng picture pang instagram." paliwanag ni Alfred.

Agad akong bumangon at naghilamos, lagay ng kaunting cheek tint at sunblock, then sinamahan ang mga girls.

Naabutan ko sila na nasa may dagat. Dala-dala ang DSLR camera kununan ko sila mula sa malayo.

"Smile!" sigaw ko ng malapit na ako. Sabay naman silang umanggulo at nagpost.

Masaya kaming nagkuhanan ng picture. Di nagtagal ay sumama din ang mga boys bago kami tumungo sa resto para sa breakfast buffet.

----------

Di kami nagkaroon ng pagkakataon para pag-usapan ang nangyari sa amin ni Justin. Maging ang nakita nila na halikan namin ay walang nagtanong hanggang sa di mapigilan ni Bella ang bunganga niya.

"Ano na? Wala ka bang ishashare sa bestfriend mo?" tanong niya habang pumipili kami ng kakainin.

"Oo nga!" singit naman ni Jackie.

"Well, umamin siya na nagkagusto siya sa akin pero baka paraan niya ito para makamove on kaya hayaan na natin. Kung gagamitin niya akong rebound..." tumingin ako sa kinauupuan ni Justin. "...okay lang basta masaya siya."

"Sweet mo naman pero sabagay." sabi naman ng mabungangang si Jackie.

"Pero ingat-ingat din. Baka ikaw ang naiwang duguan sa huli." sabi ni Bella.

"Duguan talaga?" pabiro kong sabi ngunit nangangamba ako na baka tama siya at maaaring tama siya.

"Malabong mangyari yun. Kung rebound hanap ni Justin, edi dapat hindi kaibigan niya." sabi naman ni Jackie.

"Tara na." sabi ko pagkatapos kung makuha lahat ng gusto ko.

----------

Nakakain na kami't lahat-lahat kaya busog kaming naglalakad pabalik sa villa para maghanda para sa gagawin namin sa araw na ito.

Lahat sila ay nag-aayos pero napagdesisyunan ko na huwag sumama dahil mas nakakaramdam ako ng kirot mula sa sugat ko sa paa.

"Bakit di ka pa nag-aayos?" nagtatakang tanong ni Bella.

"Kita mo naman na pinipilit ko ang maglakad ng maayos kaso humahapdi tong sugat ko." paliwanag ko.

"Edi buhatin ka ni Justin!" pabirong saad naman ni Alfred.

"Haha! Funny." sabi ko. "At tsaka kulang ako ng tulog." dagdag ko.

"Ikaw bahala." saad ni Bella.

"Tara na! Island hopping here I come!" exited na pahayag ni Jackie.

"Enjoy!" sabi ko naman sabay higa para makuha ang antok ko.

"See you later!" sabay na paalam nina Jackie at Bella.

"Sige!" sabi naman ni Alfred.

"Bye!" sabi naman nina Russell at Justin.

Umalis na sila at naiwan akong mag-isa. Matutulog na sana ako ng biglang bumukas ang pinto.

Given PrerogativeWhere stories live. Discover now