Chapter 6:

3.2K 109 0
                                    

Aspher's POV

Mabilis lang na dumaan ang mga araw. Tapos na ang exam week, tapos na ang requirements, ang naiwan lang ay ang magsaya.

As usual, napagplanohan namin na mag-out of town para magrelax pagkatapos ng isang linggong stress at kulang-kulang na tulog.

----------

Inaantay ko ngayon ang barkada dito sa may harap ng isang fast food restaurant. Nag-oorder lang ako ng kakainin namin sa biyahe pagkatapos ay dinala ko sa sasakyan.

Pinahiram ng kaibigan ni papa ang van na gagamitin namin at ako ang pinagkatiwalaan na magdrive.

Naunang dumating si Bella dala-dala ang isang maliit na maleta at malaking backpack.

Sabay naman na dumating sina Alfred, Russel at Jackie.

"Antagal naman ni Justin." sabi ni Bella. "Text mo nga!" utos niya sa akin.

Kinuha ko ang phone ko, nagtype ng sasabihin at pinindot ang send.

"Saglit! Nagkaproblema lang. Pero malapit na." reply nito.

Di nga nagtagal at andito na siya. Kanya-kanyang pwesto ang lahat at kasama ko si Justin sa harap dahil pumwesto na ang mga kasama namin sa likod at nag-ayos para matulog.

Masyadong maaga pa kasi kaya kaunti pa ang tao at walang traffic.

"Pamusic ka nga!" paki-usap ko kay Justin.

Nilabas niya ang phone niya at sinaksak sa speaker para mas marinig.

Tahimik lang kami sa buong biyahe dahil kaming dalawa lang ni Justin ang hindi tulog.

Ngayon ay kumakain kami ng inorder ko na fries and burger.

"Hoy! Huwag kang kain ng kain! Focus sa pagdadrive." paalala ni Justin.

"Subuan mo nalang ako." sabi ko.

Kumuha naman siya ng madaming fries at pinasubo sa bunganga ko.

"Grabe! Di Anne Curtis ang bunganga ko." sabi ko habang siya ay tumatawa.

"Oh. Say a!" sabi niya sabay subo sa akin ng isang fries.

"Ganyan dapat!" sabi ko.

Habang kami ay masaya habang nilalakbay ang kalsada, nanatili silang nakatulog hanggang makarating kami sa resort na kung saan kami maninirahan ng tatlong araw.

Una naming ginawa ay nagbayad, syempre, pagkatapos ay pumunta sa aming villa. Kinuha namin ang pang-anim nilang villa.

Since nakabawi ang mga kasama ko ng enerhiya, nakasuot na sila ng pangswimming sa loob pero napag-isipan naming kumain muna since hanggang 10:00 ang breakfast buffet.

Pagkatapos kumain, agad-agad silang naghanda para magtampisaw sa dagat.

Ako naman ay nag-abang lang sa may lilim at napag-isipang maidlip lang ng kahit ilang minuto.

----------

Nagising ako sa isang tapik. Dinilat ko ang mga mata ko at mukha ni Justin ang aking nakita na hawak ang kanyang phone at kinukunan ako ng video.

Hinablot ko ang phone pero naagaw padin niya. "Bastos!" sabi ko.

"Bakit? Hinubaran kita?" pang-asar niya.

"Delete mo yan!" sabi ko sabay tayo para habulin siya.

Mabilis siyang tumakbo kaya di ko siya maabutan.

Sa kakahabol ko, naalis ang suot ko na tsinelas at sa kamalas-malasang pagkakataon, nakaapak ako ng isang matigas na bagay.

"Ugggghhh!" reklamo ko sabay upo para tignan ang paa ko.

Nakaapak ako ng isang lintik na bato at matulis pa ito.

"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Justin.

"Kunting sugat lang." paliwanag ko kahit na medyo madami-dami ang dugo na lumalabas.

Given PrerogativeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon