Chapter 22:

1.6K 56 0
                                    

Aspher's POV

Nauubusan na ako ng hangin, naninikip ang aking dibdib matapos kong marinig ang mga salita galing sa bibig ni Justin.

"Ano ba kasing nagyari?" nagtatakang tanong ni Cathy habang mabilis kong nililisan ang club.

Tuloy-tuloy lang na umaagos ang luha mula sa mga mata ko at hindi ko sila magawang sagutin.

Natigilan lang ako ng marinig ko ang pangalan ko galing sa boses na kinaiinisan ko sa ngayon.

Lumingon ako para harapin siya. Gusto ko siyang sampalin at sumbatan.

Binigay ko ang lahat sa kanya, tiniis ko ang sakit ng mga pantasya niya sa kama tas yun lang yun - libog lang pala ang lahat.

"Mauna muna kayo." sabi ko sa mga pinsan ko. Hindi sila gumalaw kaya pilit akong ngumiti. "Please!"

"Dun lang kami sa malapit na kainan." saad ni Casper.

Tumango lang ako at hinayaan silang tumawid ng kalsada at hinarap si Justin.

Hindi ko na kontrol ang emosyon ko kaya pagkalapit na paglapit niya para hawakan ako sa kamay, hinugot ko ang lakas na meron sa braso ko papunta sa palad ko at hinampas para tumama sa kanyang pisngi.

"Shame on you!" galit na sabi ko.

Nagmamakaawa padin ang itsura ng mukha niya. "Sige! Saktan mo ako kung yan ang gusto mo!" sabi niya.

"Hindi ko kailangang makita kang madaming pasa. Ang kailangan ko pagpaliwanag ka!" sabi ko. "Binigay ko sayo lahat, LAHAT, JUSTIN, LAHAT." nagsimula na namang lumabas ang mga luha sa mata ko. "Ganun, ganun lang yun! Pinagmukha mo sa akin na pareho tayong nagkakagusto sa isa't isa pero ginamit mo lang pala ang pagtingin ko sayo para mairaos ang init ng katawan mo." bulalas ko.

"Asher, pasensya ka na. Yung mga narinig mo kanina, gusto kong humingi ng kapatawaran." pagsusumamo ni Justin.

"Sabi ko pa dati na tutulongan kita para makamove on sa ex mo at papayag ako bilang rebound mo pero sa mga nasabi mo kanina, mukhang tama ako." kwento habang umaapaw ang emosyon ko. "Ang tanga-tanga ko talaga. ANG TANGA-TANGA" inis na inis ako ginawa ko, sa ginawa ko sa sarili ko.

"Hindi naman totoo ang mga sinabi ko kanina, eh." paliwanag niya. "Yung mga sinabi ko sayo, totoo yun. Di mo ba naramdaman."sabi niya sabay hawak sa aking braso.

Naririnig ko siya pero sarado ang isip ko para tanggapin ang paliwanag niya. Tumingin lang ako sa pagkakahawak niya sa braso ko at tumingin sa mata niya.

Nakita kong naiiyak nadin siya dahil sa mamasa-masang tignan ito at nakikita ko ang sensiridad. Bagamat ganun ang aking nakikita, iba ang aking nadadama, puot, galit, at pagkamuhi sa sarili.

Pumayag ako sa isang sitwasyon at binigay ko ang buong kaluluwa ko. Pero sa mga oras ni ito ay hindi ko mahagilap kong babalik pa ito.

Ang mga nangyari kagabi, halos mamatay ako sa sakit pero kinaya ko kasi mahal ko ang tao at akala ko ganun din siya.

"Akala ko pareho tayong nagmamahal. Ako lang pala ang nagbibigay." sabi ko.

"Mahal din naman kita, Aspher." saaad niya. "Maniwala ka naman o." ilalapit na sana niya ang mukha pero lumayo ako.

Tumalikod ako at narinig ko na may tumawag sa kanya. Nagsimula na akong mgalakad palayo pero naririnig ko padin sila.

"Sino yun?" sabi ng hindi pamilyar na boses.

"Aaahh. K-Kaibigan ko." narinig kong sabi ni Justin.

Given PrerogativeWhere stories live. Discover now