Chapter 21:

1.6K 58 0
                                    

Justin's POV

Masaya ang aming naging kwentuhan ng aking mga pinsan. Galing silang probinsiya at naisipang dalawin ako.

Okay na sana eh, kaso napasok sa usapan ang aking ex. Di pa kasi nila alam na naghiwalay na kami at kailangan kong ikwento ang nangyari pero bigla akong nagkaroon ng pag-aalanganin.

Alanganin sa kadahilanang hindi ko maamin na nagkagusto ako sa isang bakla.

Hindi man sila nagtatanong ng iba pang detalye kaso pumasok sa usapan si Justin dahil kanina ko pala daw siya binabanggit.

Hindi ko din alam na nakialam sila sa phone ko at nakita nila ang conversation namin ni Aspher.

Magpapalusot sana ako na babae si Aspher kaso kilala siya ng isa kong pinsan kaya wala akong ibang alam na paraan para magpalusot.

Oo, nagkakagusto ako sa isang bakla pero lalaki ang mga kasama ko at ayokong magduda sila sa pagkalalaki ko.

Ayokong malaman kinabukasan galing sa mga kamag-anak ko na sinasabing bakla ako dahil nagkagusto ako sa isang bakla dahil alam ko na yun ang iisipin nila.

Labag man sa kalooban ko, bumuo ako ng isang kasinungalingang kwento at umaasang hindi aabot ito kay Aspher.

Para makakuha ako ng bwelo, tinungga ko ng diretso ang isang bote ng alak na hawak ko. Parang tinunaw na apoy ang dumadaan pababa sa tyan ko ang alak.

Ang pinagtataka ko lang ay bakit nagpapatuloy padin ang mga tao sa pag-inom nito kabilang ako.

"Ano na tol? Huwag mong sabihing aamin ka na sa amin na bakla ka?" paulit-ulit at makulit na tanong ng pinsan ko na mas matanda sa akin ng limang taon.

Nakwento naman nila ang mga karanasan nila sa sex kanina kaya okay lang na pag-usapan ang mga malalaswang topic.

"Sinabi ko na sa inyo mga tol. Hindi ako bakla. Pinagbigyan ko lang siya sa gusto niya." sabi ko. Kahit nag-aalanganin akong itong ang sasabihin ko ay nagpatuloy padin ako. "Alam niyo bang nahuli ko siyang hawak-hawak ako sa harapan habang natutulog ako at lasing pa ako ng mga oras na iyon." dagdag ko pa.

Pinagpatuloy ko ang kwento ko na walang bahid ng katutuhanan maliban sa masarap siya magblowjob kaya ko pinaulit.

"Yun lang habol ko sa kanya - bunganga. Hinding-hindi ako magkakagusto sa isang bakla at lalong hindi si Aspher." pagsisinungaling ko pero sa mga oras na ito pag-uumapaw na ang guilt sa katawan ko.

Nais ko sanang bawiin ang mga sinabi ko hanggang sa magkarinig ako ng pangalang "Aspher". Lumingon ako at nakita ko ang paalis na si Aspher at dun ko na talaga hiniling na sana hindi ko sinabi ang mga sinabi ko dahil lumingon ito sa kinuupuan ko.

Nagtama ang aming mga mata pero nag-uumapaw ang galit ko sa sarili ng makita siyang umiiyak at tumakbo palabas na sinundan ng dalawa pang lalaki at dalawa ding babae na halatang kapwa lahat ay may lahing taga-ibang bansa.

Awtomatikong tumayo ang mga paa ko at nagpaalam na may titignan.

"Mauna na kayo kung di ako makakabalik." saad ko sabay alis.

Given PrerogativeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon