Chapter 25:

1.5K 53 0
                                    

Aspher's POV

Alas dose na ng gabi ng pag-isipan ko na umuwi matapos kong makasalubong si Bella. Habang kinukwento ko ang nangyari ay unti-unting namumuo ang galit sa puso ko.

"Mangako ka Bella na di mo sasabihin kung nasaan ako." paalala ko kay Bella noong hinatid niya ako sa hotel.

Nakaimpaki na din ako dahil naisipan ko na susunod kina mama. Nagpaiwan lang ako para ako ang sasama sa magulang ng mapapangasawa ni kuya.

"No worries!" saad naman ni Bella sabay sakay ng taxi.

Nagcheck-in na ako at umakyat sa nakuha ko na kwarto. Dito din nakacheck-in si Cathy kaso sumama siya sa paghatid kina mommy sa airport.

Ang una kung ginawa ay binuksan ang laptop ko. Sa sobrang galit ko ang tanging nasa isip ko ay ang iparamdam sa kanya ang nararamdaman ko.

Buong gabi kong hinanap ang video ko sa isang porn site at kinupya ang link kahit inumaga na ako. Pagkatapos ay nakatulog ako.

----------

Kung talagang minahal niya ako, naisip ko ang videong ito ang magpapatunay ng nararamdaman niya tungkol sa akin.

Kung di ako nagkakamali, labis yung magselos at natunghayan ko yun dalawang buwan na ang nakakalipas.

Si Maddy noon ay may dance class at ang practicum nila ay ballroom dance. Grabe ang selos ni Justin noong mga oras na iyon na dahilan ng matindi nilang away.

Sa pagkakataon na ito, gagamitin ko ang matindi niyang pagseselos at umaasang effective kaso hindi ko mapindot ang send.

Pero pagkatapos kung marinig ang boses niya kanina, buo na ang utak ko. Binuksan ko ang laptop at pinindot ang send.

Sinabihan ko si Bella na buksan ni Justin ang account niya tapos naligo na ako.

Pagkatapos maligo, inayos ko na ang mga gamit ko matapos ko ding matanggap ang text ni Tita Jasmine, ang nanay ng mapapangasawa ng kuya Ashton.

"Nasa labas na kami ng hotel." sabi sa text.

Agad-agad na akong sumakay ng elevator dala-dala ang dalawang maleta, isang malaki at isang maliit.

"Hello po tita." bati ko sabay beso. "Hello din po tito." bati ko naman sa asawa niya sabay yakap.

Sumakay na kami sa van at sinimulan ang biyahe. Mas minabuti ko na huwag sabihin kahit kanino sa mga kaibigan ko kung kailan talaga ako aalis ng bansa.

Pero along the way nakita ko silang lahat na parang may kumusyong nangyayari.

Nag-uusap sila pero kita ko na nagsisigawan na sina Russell at Justin.

Di ko kayang makita na pati pagkakaibigan namin ay naaapektuhan kaya minabuti kong bumaba. Sinabihan naman ako nina tita na aantayin ako sa malapit na fastfood chain.

"Tang-ina naman tol! Hindi ka ba nakikinig!" pasigaw at galit na sigaw ni Russell.

"Hindi niyo kasi..." natigilan siya noong nakita niya akong tumatawid sa kalsada papunta sa kanila. "Aspher!" nakita kong seryoso ang mukha niya.

"Anong nangyayari..." bigla akong hinila ni Justin sa braso at naglakad papalayo. "Ano ba!?" inis kong saad.

Sapat naman ang layo namin mula sa barkada namin para hindi nila marinig ang pinag-uusapan namin.

"Talagang kailangan mong ipakita sa yun!" ramdam ko ang galit at selos sa tuno ng boses niya.

Iniisip ko na effective nga ang ginawa ko. "Ngayon alam mo na ang pakiramdam." sarkastiko kong saad.

Maglalakad na sana ako palikod ng bigla niya akong hawakan sa braso ng mahigpit at balak na ilapit ang labi pero tinaas ko ang paa ko at tumama sa gitna ng hita niya. "Para sa lahat ng sakit." saad ko habang namimilipit siya sa sakit at ako naman ay nagpaalam sa barkada at tinignan sina tita.

Given PrerogativeWhere stories live. Discover now