Chapter 23:

1.5K 60 0
                                    

Justin's POV

Fuck me! Bakit antaas-taas ng pride ko. Napakamakasarili ko talaga. Kung makakakita lang ako ng genie ngayon hihililingin ko na ibalik ang oras. What I did is messed up, and the blame is on me.

Maging noong may pagkakataon pa ako para kausapin siya, hinayaan ko lang siyang maglakad papalayo at pinili ko na ipagpatuloy ang kwentong pinapaniwalaan ng mga pinsan ko.

Pinili ko na samahan ang mga pinsan ko hanggang sa napagdisisyunan kong ipagpabukas nalang na harapin si Aspher na labis kung pinagsisisihan.

Inuna ko ang makipaglasingan sa pinsan ko at hindi ang ayusin ang malaking problema ko.

Kinabukasan ay maaga akong pumunta sa bahay nina Aspher. Ang hindi ko inaasahan, nasa biyahe na sila papunta sa NAIA na apat na oras ang layo mula dito.

Walang tao sa bahay nila noong nakarating ako at nalaman ko nalang sa kapitbahay ang balita.

Minura ko ang sarili ko habang naghaharap ako ng pwedeng puntahan.

Tumunog ang aking hawak-hawak na cellphone at nakita ko ang pangalan ni Russell.

"Hello?" walang gana kong sagot.

"Punta ka sa bahay." sabi niya sabay patay agad ng tawag.

Sa tuno palang ng boses niya ay siguradong galit siya.

Pumunta ako sa address ng bahay nila at umaasang makakahanap ng kaibigan, yung makakaintindi at makikinig.

Pinindot ko ang doorbell. Maya-maya ay may mga yabag akong naririnig sa likod ng gate. Bumukas ang gate at nakita ko ang seryosong mukha ni Bella.

Pinagbuksan lang niya ako tapos naglakad papasok sa loob. Di ko alam kong paano nila nalaman pero kakailanganin kong harapin lahat ng pinagkakatiwalaan ko.

Dahan-dahan akong humakbang papasok, namumutawi ang hiya ng makita ko na kompleto ang barkada maliban kay Aspher.

Nakatingin lahat sila, pare-pareho ang itsura ng kanilang mga mukha.

Kapapasok ko palang ng biglang tumayo si Russell at tumama ang kamao sa pisngi ko.

"Russell! Tama na yan!" pag-awat ni Alfred.

Nagkaroon ng kaunting kumusyon noong pigilan nila si Russell at pinaupo. Ganun din ako.

Naramdaman ko ang galit niya sa sakit na nadama ko sa aking pisngi. Nanatili lang akong tahimik kahit nag-init ang pakiramdam ko pero nanaisin ko nalang na manahimik kaysa magkagulo.

"Anong pumasok sa kukuti mo?" nangangalit na saad ni Bella. "Kitang-kita ko ang nangyari kahapon. Kung hindi lang ako dumaan sa lugar na yun, hindi ko matutunghayan kung gaano ka ka-GAGO!"

Gusto kong magsalalita kaso hindi ko mailabas ang gusto kong sabihin.

"Barkada pa talaga natin, brad! Kung ako sayo, hindi ko yun gagawin kay Aspher!" bulalas ni Russell. "Ang malala, wala ka pang ginawa!" nanggagalaiti niyang pahayag.

"OO! ALAM KO!"napataas ang boses ko. "Oo, alam ko. Hindi ko naman ginusto ang nangyari. At alam ko, gago ako, makasarili pero totoo na gusto ko siya, hindi... minahal ko siya." malumanay kong paliwanag.

"Hindi tayo andito para mag-away. Narinig na namin ang kwento ni Aspher, ikaw naman ngayon ang magkwento pero siguraduhin mong katanggap-tanggap yang kwento mo para saktan ang bestfriend ko." saad ni Jackie.

"Excuse me. Bestfriend ko." singit naman ni Bella.

"Fine. Pero balik tayo kay Justin. Dali simulan mo na." saad ni Jackie.

Sinimulan ko ang kwento sa kung paano ko nalaman ang nararamdaman ko hanggang sa kung paano nauwi sa ganito.

Sa loob ko, halo-halo na ang nararamdaman ko na emosyon.

Given Prerogativeजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें