Chapter 50:

1.4K 42 0
                                    

Justin's POV

What just happened? Inaamin ko, that's kind of hot.

"This is really payback time!" saad ko sabay tingin kay Aspher na tinatapos ang kinakain.

"Oh, no no no no!" reklamo ni Aspher sabay takbo papalabas.

"Akala mo ba makakatakas ka?" sabi ko sabay habol sa kanya.

Sumunod naman si Russell sa amin. Nacorner namin siya sa sala.

"Wala ka nang takas." saad ko.

Nakailang ulit kaming naghahabulan hanggang sa mahuli ko siya pero kasabay nun ay ang tunog ng pinto na parang may kumakatok.

Napahinto kaming tatlo. Muling tumunog ito at dun na kami nataranta.

"Shit, may tao!" saad ko.

"Bahala na kayo dyan." saad naman ni Aspher sabay takbo papuntang kwarto.

"Yung mga kalat natin!" saad ko.

Aligaga naman kami ni Russell sa pagkuha dito at nilagay sa kwarto.

"May tao ba dyan?" saad ng taong nasa labas. Pakiwari ko ay si Alfred.

"Saglit lang." saad ko.

Tanging pang-ibaba lang ang sinuot ko at yun lang. Si Russell ay pinulot ang mga damit namin at pumunta sa kwarto.

Ako na ang nagbukas ng pintuan at nakayo sina Alfred at Jackie sa labas.

"My ghad! Bat antagal..." natigilan siya ng may tinitigan siya sa loob.

Napalingon ako at bigla akong namula dahil nakakalat ang isang underwear at nakalagay ang KY jelly sa tapat nito.

Oo pala yun ang ginamit namin kanina tapos iba ang ginamit namin sa kwarto.

Nilingon ko nalang sila, "Anong ginagawa niyo dito?" tanong ko.

"Baka gusto mo kaming papasukin?" sarcastic na saad ni Jackie.

Nilakihan ko ang bukas ng pinto at pinapasok sila.

"Pwede ba? Magdamit ka." inis na saad ni Jackie.

Tinaas ko ang kamay ko na parang sumusuko at naglakad papunta sa kwarto.

Dinaanan ko din ang nakakalat na underwear ko at ang lubricant. Nasalubong ko naman si Russell na papalabas at nakaayos na.

"Anong ginagawa mo dito?" narinig kong tanong ni Alfred.

"Napadalaw lang." palusot nito.

Naabutan ko naman si Aspher na katatapos lang sa pagpalit kaya nagsuot na din ako ng bagong T-shirt.

Nauna na si Aspher sa labas. "Anong ginawa niyo sa kwarto ni Justin at lahat kayo ay dyan nanggagaling?" narinig kong sabi ni Jackie.

"Gusto niyong kumain? May pasta." pag-iwas sa tanong ni Aspher.

Pagkapalit na pagpalit ko, lumabas ako at nasa kusina silang apat.

"Ano ba kasi ang problema?" narinig kong tanong ni Aspher habang papalapit ako.

"Oo nga. Bat naparito kayo ng biglaan?" tanong ko. "Wala man lang text or tawag."

"Anong wala? Tinatawagan namin ang phone mo kaso walang sumasagot." paliwanag ni Jackie.

"Meron ba?" sabi ko naman sabay kuha sa phone ko na nakapatong sa may lamesahan. "Oo nga. Sorry."

"Sabihin mo na?" sabay siko si Jackie kay Alfred.

"Ikaw na!" balik nito.

"Pwede ba? Pinapakaba niyo kami." saad ni Aspher.

Nagkatitigan pa silang dalawa bago nagsalita si Alfred.

"Si ano..." huminto pa siya at parang nag-aalangan kaya pinagdilatan ko lang ng mata. "Tang-ina, bat ang hirap."

"Ano ba kasi yun?" sabi ko.

"Si Maddy dinala sa ospital." sabi ni Jackie.

"Tapos?" saad ko.

"Buntis siya." mahinag saad ni Jackie pero sapat na para marinig ko.

Given PrerogativeDove le storie prendono vita. Scoprilo ora