Chapter 2:

4.5K 133 0
                                    

Aspher's POV

Bumaba ako and unfortunately, nanunuod ang mga magulang ko sa sala.

Mabuti nalang at nakatalikod ang sofa na inuupuan nila kaya hindi ako kita mula sa kinatatayuan ko.

Dinahan-dahan ko ang pagbaba at pinilit na hindi gumawa ng ingay.

"Anong ginagawa mo?" saad ng kuya ko na nakatayo na pala sa likod ko. "Ma, pa! Yung bunso niyo may balak tumalas!" sumpong pa niya.

"Alam mo! You're the worst. Uggghhh!" inis kong sabi.

"Saan ka pupunta sa dis-oras ng gabi?" pang-uusisa ni mama.

"Manlalalaki yan!" pang-aasar naman ni Kuya.

"Kuya! Not funny." sabi ko kay kuya. "Uhmm. Can I go out?" paalam ko naman kina mama na may halong pagpapaawa.

"No!" maikling sagot ni mama.

"Pa?" saad ko naman sa tatay ko ba payagan ako.

"No!" sabi niya rin.

"Urrggghh!" sabi sabay nagdadabog na naglakad sa kusina.

Kunwari nagtampo ako tapos pagtalikod ko, sumama si kuya kina mama. Eto ang pagkakataon para makatakas.

Gamit ang backdoor na nasa may kusina, mabilis pero maingat akong nakalabas.

Nakalabas na ako at saktong may dumaan na taxi. Sinabi ko ang lugar at nilakbay na namin ang kalsada.

Bago pa ako makarating, may dalawang text akong natanggap. Text galing kay kuya at galing kay Alfred.

"Lagot ka pag-uwi mo!" pagbabanta ni kuya pero wala akong pakialam dahil talent ko ata ang pakalmahin sina mama bago pa ako sabunin.

"Saan ka na?" text naman ni Alfred.

"Andito na sa labas." reply ko kasabay ng pagdating ko sa bar.

Nakasalubong ko si Justin na papalabas palang at medyo may tama na.

"Uy, Justin! San ka pupunta?" tanong ko.

"Girlfriend ko." saad niya sabay taas ng kanyang phone at nakadisplay ang pangalan ng girlfriend niya na tumatawag.

"Una na ako sa loob." sabi ko naman.

"Saglit, samahan mo muna ako. Para depensa ko na ikaw kasama ko." sabi naman niya.

Naglakad pa kami papalayo sa bar na kung saan medyo tahimik at doon niya sinagot ang tawag.

May pagtatalo sa magkabilang linya kaya binigay na ni Justin sa akin yung phone.

"Anong sasabihin ko?" tanong ko.

"Ikaw na bahala." sabi ng naiinis na si Justin.

"Hi, Maddy?" panimula ko. "Si Aspher to." pagpapakilala ko.

"Hi, Aspher!" sabi niya naman.

"Pasensya ka na sa jowa mo, di ko alam ang nangyari kanina at mainit ang ulo." paliwanag ko.

"Saan ba kayo ngayon?" tanong niya na siya ding tinanong niya kay Justin.

"Nasa bahay kami ngayon." pagsisinungaling ko kasi yun ang sinabi ni Justin kanina.

"Okay! Thank you." sabi niya sabay patay ng tawag.

Naglakad kami pabalik sa loob at naabutan namin silang naglalaro ng Never Have I Ever.

Andito sina Alfred, Russell, Jackie, yung nakasama ko kanina na si Justin at ang di ko inaasahan na si Bella dahil kaming dalawa ang hindi umiinom at ang hindi sumasama kapag bar ang usapan.

"Dito kayo umupo." anyaya ni Russell sabay usod para may ispasyo sa aming dalawa.

"Sino na ang magtatanong?" sabi ni Russell.

"Ako!" pahayag ni Jackie. "Never have I ever change my underwear for two days." sabi niya.

Nagkatitigan lahat na ilang minuto at pero di maitago ni Alfred at Russell ang tawa nila. Meaning, guilty sila kaya wala silang choice kundi uminom.

Given PrerogativeWhere stories live. Discover now