Chapter 38:

1.2K 45 0
                                    

Aspher's POV

Masyadong mabilis ang pangyayari. Aa sobrang bilis, parang unti-unting naglalaho ang ibang mga ala-ala ngunit ang kaibahan ay alam ko na nangyari ang mga yun habang tulog ako pero di ko maalala ang mga salitang pumapasok sa tenga ko.

I'm starting to gain consciousness, it all started with a flash of light na nakakasilaw then nagsimulang nawala ito at unti-unti ng luminaw ang paligid ko.

Pagdilat ko biglang nabalot ng pagkalito ang utak ko. Anong araw na ngayon? Anong taon?

Napatingin ako sa taong katabi ko ngayon at nakita ko ang umiiyak ngunit masaya na si Justin. Napatingin lang ako sa kanya at inobserbahan siya.

Walang pagbabago sa mukha niya. Ang huling pagkikita namin ay ganun padin ang itsura. Pero ang malaking katanungan ay kung paanong siya lang ang kasama ko at paano nangyari na kasama ko siya. Lumipad ba sila sa London? O bumalik kami ng Pilipinas?

The moment na nagsink in na lahat, unti-unti ng namuo ang emosyon sa katawan ko, lahat ng ala-ala nagbabalik na tungkol sa aming dalawa.

Biglang tumulo ang luha ko, "Justin!" sabi ko. Naramdaman ko ang kapit niya sa kamay ko kaya bilang ganti ay hinigpitan ko din ang hawak sa kanyang palad.

Habang nagsasaya ang damdamin ko, mas nadagdagan pa ito ng pumasok ang pinakamamahal ko na magulang.

Di ko din mapigilan ang pagbuhos ng emosyon ko dahil sa sobrang pagkamiss sa kanilang lahat.

Yung pakiramdam na parang naninibago ka sa lahat ng nangyayari dahil sa parang nawala ka sa mundong ito ng napakatagal. But the feeling is far more interesting but better.

Maya-maya ay dumating ang mga doctor at nurse para tignan ako. Sa gilid ng mga mata ko ay nakita kung pumasok ang barkada na bakas ang magkahalong pag-aalala at saya.

Ngumiti akong nakatingin sa kanila habang sinasagot ang mga tanong ng doctor.

Kung maayos ba daw pakiramdam ko. Kung naigagalaw ko ba daw lahat ng parte ng katawan ko at mukhang lahat naman ay nakukuntrol ko pa. Kung may masakit ba daw akong nararamdaman. Mukhang wala naman maliban sa ulo ko na parang ang bigat sa pakiramdam.

Hiniga ko nalang at pangiti-ngiti sa lahat ng tao na nasa kwarto.

Napagtanto ko na nasa Pilipinas dahil sa mga doctor na dumating kanina pero ikinagulat ko na meron si Tom dito kasama namin.

Parang pakiramdam ko ay sobra akong pagod kahit alam ko na kagagaling ko lang tulog pero nagpaalam muna ako na magpapahinga lang muna.

"Siguraduhin mo na magigising ka ulit." biro ni Kuya.

----------

Nagising ako mula sa isang panaginip na hindi ko maalala kung ano.

Tahamik ang silid at mukhang nilipat ako sa isa pang kwarto. Si Tom lang ang kasama ko sa silid at tulog ito sa malapit na sofa. Napatingin ako sa kama at napagtanto ko na gabi na pala.

Nanatili akong tumitingin-tingin sa paligid ko hanggang mapagdesisyunan ko na bumangon.

Sa unang apak ko, parang nakalimutan ko saglit ang paglakad pero bago pa ako matumba ay napakapit ako sa pole kung saan nakasabit ang dextrose ko.

"Hey! Just take it easy!" rinig ko na saad ni Tom.

"Well, I'm bored." sabi ko naman.

Napatayo naman siya para alalayan ako.

Given PrerogativeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon