Chapter 24:

1.5K 54 0
                                    

Justin's POV

"Alam mo, gago ka padin." saad ni Jackie. "Pero nangyari na ang nangyari."

"Anong plano mo brad?" tanong ni Alfred.

"Di ko alam." malungkot ko na pahayag.

"Actually, andito padin si Aspher." pahayag ni Bella.

"Huh!" sabay-sabay naming saad.

"Sabay-sabay talaga! Nasa hotel siya kung saan nakacheck-in ang pinsan niya." paliwanag ni Bella. "Kaso..." tumingin ito sa kanyang relo. "...naku!" saad niya.

"Bakit?" tanong ko.

Nabuhayan ako ng loob na may pagkakataon akong maayos ang gusot na ito at hindi pa sa susunod na taon kapag tuloy ang desisyon niyang sumama sa abroad.

"Sorry! Nangako ako eh." malungkot na saad niya.

"Gusto nating tulungan kaibigan natin diba?" saad naman ni Jackie.

"Oo nga. Pero ayokong kami naman ang mag-away." biglang tumayo si Bella. "Sorry, Justin. Nakita ko kung pano nadurog ang bestfriend ko. Kilala ko siya, ang pangako ay pangako." sabi nito.

"Ayos lang." pagtanggap ko sa paumanhin niya.

"So anong gagawin natin." saad naman ni Jackie.

"Pwede ka namang tumawag." suhesyon ni Bella.

"Di nga niya sinasagot ang tawag ko eh." saad ko.

Napatingin kaming lahat kay Bella at inaantay kung ano ang sasabihin niya.

"Fine!" saad nito sabay labas ng kanyang phone galing sa kanyang bulsa.

Tinapat niya ang telepono sa kanyang tenga at inantay na may sumagot sa kabilang linya.

"Hello?" saad niya na nagpabuhay ng pag-asa sa akin. "Bes? Alam mong mahal kita kaya ko ito ginagawa. Andito si Justin." sabi nito habang nakatitig sa akin.

Maya-maya ay binigay niya ang phone sa akin na dahilan para mabawasan ang lungkot na nararamdaman ko.

"Aspher?" mahinang sabi ko.

"Kung gusto mag-usap, masyado pa akong galit para makinig pero kung hihingi ka ng patawad, pasensya na at hindi kita mapapatawad..." pinutol ko ang pagsasalita niya.

"Aspher! Please, makinig ka naman, o." sabi ko at tumahimik sa kabilang linya. "Alam ko na ang mga nasabi ko nakasakit sayo. Di ko man alam ang nararamdaman mo pero handa akong harapin ang galit mo basta mag-usap lang tayo... Please!" paki-usap ko.

"Maybe, next year." saad nito kasabay ng pagpatay niya ng tawag.

Eto na talaga. Haharapin ko ang Pasko at Bagong taon na nagdurusura. Maaaring ito nga ang parusa ko pero isang gabi nga lang na alam kong nagkakatampuhan kami hindi ko kinakaya, yung isang buwan pa kaya.

----------

Umuwi ako sa dorm na walang ganang mamuhay. I'm such an idiot and asshole.

Kung hindi ko lang pinairal ang ego ko at reputasyon ko, hindi ito mangyayari.

Hindi naman malaking bagay ang seksualidad ko. Kung inisip ko sana ang nararamdaman ko sa kanya kaysa sa hiyang nararamdaman ko, edi dapat hanggang ngayon ay masaya ang amung pagsasama.

Ang buong plano kong pagtanong sa kanya ay sa bakasyon dapat namin ngayong pasko ngunit lahat ng iyon ay natapon na - natapon ko.

"Buksan mo email mo!" basa kong text ni Bella.

Agad kong binuksan ang phone ko, kinonect sa Wi-Fi network, at binuksan ang aking account.

Isang unread email ang nakita ko galing sa account ni Aspher.

Ito ay naglalaman ng isang link na dahilan para mag-init ang dugo ko, nakakagalit, nakakaselos at nakasira ng ulo para ihagis ko ang phone ko sa kama.

Given PrerogativeWhere stories live. Discover now