Chapter 51:

1.2K 41 1
                                    

Justin's POV

To think na may tyansang magiging ama ako ay nakakatakot. Nakakatakot dahil sa alam ko hindi ako handang maging ama.

"Wait lang!" saad ni Alfred. "Nakunan siya."

Para akong nabuhusan ng kumukulong tubig pero ang kasunod ay nagyeyelo sa lamig. Di ko alam kung ano dapat ang maramdaman.

Lumapit sa akin si Aspher at hinawakan ang aking kamay. Di ko man nakita ang mukha ng bata ay parang namatayan na din ako kung tutuusin.

Bakit niya tinago sa akin na dalawang buwan na pala siyang buntis? Maybe, I could have just done something.

"Hindi ko sasabihing alam ko ang nararamdaman mo pero kailangan ka ni Maddy ngayon." mahinahong saad ni Jackie.

Inangat ko ang mga mata ko at nagtagpo ang mga mata naming dalawa ni Aspher. Ngumiti siya.

"Someone needs you." saad niya. Binitawan niya ang kamay ko, nanatili ang ngiti sa kanyang labi at inilayo ang tingin.

Hindi man kami ni Maddy pero naging bahagi siya ng madaming buwan sa buhay ko. Kung kailangan niya ako, ibibigay ko sa kanya ang oras.

Agad kaming nagpunta sa ospital pero kaming tatlo lang nina Jackie at Alfred. Si Aspher ay umuwi nalang muna at nagpaiwan si Russell.

Pinapasok ako sa kwarto na kung saan nagpapahinga si Maddy.

Andun yun ina niya, "Hello po." bati ko.

Tumayo siya, "Maiwan ko na muna kayo." mahinahon niyang sabi.

Inantay ko siyang makalabas bago ako lumingon sa kay Maddy.

"Sorry." panimula ko.

Tumingin ito sa akin at halata na kagagaling lang ito sa iyak dahil sa mugto niyang mga mata.

"Anong ginagawa mo dito?" sabi niya sa pinakakalmadong boses. "Naguiguilty ka ba? Kasi kung oo, don't be."

"Ngayon ko lang napagtanto na maaaring grabe kita nasaktan sa pag-iwan ko sayo." sabi ko sabay lapit sa kanya.

"Bakit? Kung nalaman mo ba na buntis ako, di mo ako iiwan?" tanong niya na dahilan paraag-isip ako.

"Maaari...baka...pero para sa baby, susuportahan kita." sabi ko.

"Sabi ko sa sarili ko nong nalaman ko na buntis ako na papakihin ko ang bata na malayo sayo. Balak ko pa ngang mag-abroad para mawalay sayo eh. Ang laki ng galit ko sayo pero ng makita ko ang pag-aalala mo kay Aspher, nakita ko padin Justin na minahal ko noon. Maaaring hindi mo ako mahal pero kailangan ng isang bata na makilala ang kanyang ama." kwento niya.

"Pasensya na." yun lang at tanging yun lang ang lumalabas sa bibig ko.

"Salamat sa paghingi mo ng tawad pero hindi yun mapapalitan ang pagkawala ng anak mo. Maaaring ito ang mas nakakabuti sa lahat - sa iyo, kay Aspher." sabi niya.

"Sana man lang may magawa ako para gumaan ang pakiramdam mo." saad ko sa kanya.

"Mahalin mo lang si Aspher sapat na sa akin yun at huwag mong ipadanas sa kanya ang ginawa mo sa akin. Hayaan mo na ako dahil balang araw, makakalimot din ang puso. Sana ako na ang huling taong masasaktan mo. Alam ko na nagmamahalan kayo at hindi ako tututol." ngumiti siya, "Salamat sa lahat ng ala-ala."

Given PrerogativeHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin