Chapter 1- Skyler Trias

24.2K 382 99
                                    

Skyler


"Saan mo ba kasi ako dadalhin huh?" Paglabas kasi namin ng classroom ay hinila agad ako ng magaling kong kaibigan na si Bria.

"Nag txt kasi yung pinsan ko at nasa parking lot na daw siya, ipapakilala lang kita." excited na sabi niya.

Huminto ako sa paglalakad kaya natigil din si Bria.

"Wait nga! Bakit mo ko ipapakilala?" Takang tanong ko.

"Huh ano.. Kasi ano di ba nga best friend kita? So para maging magkakilala kayo.. You know pareho kayong close sa akin. Gusto ko maging close din kayo." at ngumiti po siya ng pagkalapad-lapad!

Pero bakit pakiramdam ko may binabalak 'tong kaibigan ko? Hmmm~

Kakausapin ko na lang siya mamaya ng masinsinan. Alam ko namang hindi ako kayang tiisin ng kaibigan kong ito. Mapapaamin at mapapaamin ko rin siya dahil mahal ako ng kaibigan kong yan kahit baliw yan hahahaha

Pero sa ngayon sasakyan ko muna ang trip niya.









KAKAPASOK lang namin sa parking area ng may sumalubong agad sa amin na lalaki.

"Couz!" tawag niya.

Tumakbo naman agad si Bria papalapit sa lalaki at yinakap ito.

"Long time no see Thomas!" masiglang bati ni Bria.

"Siya nga pala kasama ko yung best friend kong si Sky." Ngumiti ito ng pagkalapad-lapad na parang may binabalak na hindi maganda. "Thomas, this is my best friend Sky and Sky this is my cousin Thomas."

"Hello!" sabay naming bati at nagkamay pa.

Gwapo siya actually, kung type ko siguro itong si Thomas ay baka humandusay na ako dito sa kilig ng mahawakan ko ang malambot niyang kamay. Grabe parang di lalaki sa lambot.

"Ay siya nga pala may kasama din ako." sabi nung Thomas. " Sa akin na kayo sumakay hatid ko na lang kayo.. Nasa sasakyan din yung kasama ko."

"Who's with you? May girlfriend ka na?" May lungkot sa tono ng pananalita ni Bria.

"Wala! Silly~" at ginulo pa yung buhok ni Bria.

"Ughhh wag sabi ang buhok ko eh I HATE YOU!" Pagmamaktol ni Bria.

Pero tinawanan na lang niya si Bria, kahit ako rin ay natawa na lang din para kasing bata ang inasta ni Bria.

"Kiana!" tawag ni Thomas sa babaeng nakatalikod sa amin..

"Woah! Likod palang chicks na. Paano pa kaya kapag humarap?" Mahinang sabi ni Bria.

Napamaang naman ako sa sinabi niya, seriously? Para kasing may lalaki akong katabi ngayon kulang na lang mag heart shape yung mata niya.

Pero wag kayong ano may boyfriend yang si Bria, sadyang matabil lang ang bibig at kung ano-ano talaga ang lumalabas sa bibig.

At yun na nga humarap yung babae..

"WOW!" sabay naming sabi ni Bria.

Naka black jeans lang ito at red flannel, na itim ang panloob at naka high cut na shoes pero WOW! para siyang model.. Ang cool ng dating niya kahit simple lang yung suot niya. Magkasing tangkad din siguro kami.

"Sky pwede bang mainlove sa kapwa ko babae ng ganun kabilis? I think I'm in love~"

"Mag tigil ka nga para kang anga diyan.. Sumbong kita kay Paul."

"Huy Sky hindi ka na mabiro, sinusubukan lang naman kita eh.."

Tinaasan ko siya ng kilay.. Ano yung sinasabi niyang sinusubukan niya ako.

Girl CrushDonde viven las historias. Descúbrelo ahora