Chapter 73 - Skyler's Birthday Surprise

3.1K 106 15
                                    

Miley



"Seriously Ana? Nakalimutan mo? Ana naman! Kaya nga ako humingi ng tulong sa inyo para may magawa naman ako para kay Skyler pero kayo 'tong nagpumilit na kayo ng bahala tapos ngayon sasabihin mong nakalimutan niyong gawin?"

"Sorry na Miles may kaunting oras pa naman eh makakaya natin yan." Nakukunsensya na sagot niya.

"Paanong konting oras? Pano pa magagawa yun? Pinapapunta ako ngayon ni Skyler sa condo nila. Kaya nga kita pinuntahan agad dito sa condo mo para itanong kung bakit nasa condo niya si Skyler? Hindi ba't doon gagawin ang surprise?"

Napakamot na lang ng ulo si Kiana, samantalang ako ay napabuntong hininga na lang din.

"Sorry na talaga Miles. Nawala kasi talaga sa isipan ko. Hindi rin kasi sa akin pinaalala ni Bria at tsaka naging busy din tayo sa school." Nakayuko niyang sabi at hindi makatingin sa akin.

"Ano pa nga bang magagawa ko? Hindi rin naman kita masisisi kasi mas kasalanan ko 'to dahil kahit ako mismo ay hindi ko pinaalala sayo. Akala ko kasi matatandaan mo na yun lalo na at tatlong araw lang naman yung pagitan. At tsaka may tiwala ako sa'yo eh." sabi ko.

Napansin kong di mapakali ang kanyang kamay na ikinanuot ng noo ko.

Sa pagkakaalam ko kasi ay ganyan siya kapag nagsisinungaling siya.

"Hey, may hindi ka ba sinasabi sa akin?" seryosohang tanong ko.

Nag-angat siya ng ulo at magkatinginan na ngayon sabay lunok niya.

Tsk, parang may iba talaga eh.

"Huh? Ah wala noh." sabay mabilis na iling niya.

Pinaningkitan ko siya ng mata at pinahiwatig na hindi naniniwala sa kanyang sinasabi, taliwas kasi ito sa kanyang mga kilos.

Naramdaman kong may nag vibrate sa bulsa ko kaya kinuha ko ang phone ko. Tumatawag pala si Skyler.

Damn ayan na siya!!! Sinagot ko na lang baka magtaka pa.

"Yes Baby?" sagot ko.

"Saan ka na? Papunta ka na?" sabi ni Skyler sa kabilang linya.

"Huh? Ah hindi pa eh nandito pa ako sa condo ni Ana." sabi ko.

"Ohhhh papunta ngayon diyan si Bria eh, para naman daw ma-solo kita sa birthday ko kaya punta ka nito please? Wifey?" paglalambing niya.

Napangiti na lang ako.

"Opo pupunta na sige na." sabi ko.

"Okay love you. Ingat." excited niyang sabi.

"Love you too. Bye." sagot ko at baba sa phone.

Binalik ko ang pansin ko kay Ana.

"Well mukhang kailangan ko ng umalis dahil hinahanap na ako ng isa. Mabuti na lang talaga nakabili na ako ng gift ko para kay Skyler kaya kahit papaano may maibibigay ako sa kanya."

"I'm really sorry talaga Miles." sincere na sabi niya.

"It's okay maybe next time, pero di pa tayo tapos... May kailangan ka talagang sabihin sa akin eh kaya after nitong araw pupuntahan agad kita." sabay beso na kanya.

"Uhm sasagutin ko lahat ng tanong mo, don't worry." nakangiti niyang sagot. "Sige na hinihintay ka na ni destiny mo." natatawa niyang sabi.

Napakunot noo ako sa sinabi niya pero pinagtulakan na akong lumabas ng condo niya.

"Hey Ana, wait!" pigil ko pero pilit niya akong tinutulak palabas.

"Miles hinihintay ka na ni Sky dali na." sabi niya.

Girl CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon