Chapter 15 - Bakit?

6.3K 190 7
                                    

Miley




"Akala ko pa naman magsasaya tayo ngayon, dahil pumayag kang sumama sa akin." Nakapangalumbaba na tanong sa akin ni Brix.

After ko kasi siyang hilahin palayo kina Skyler.. Napangiti na lang ako ng mabanggit yung pangalan niya sa isip ko. Ako lang daw ang gusto niyang tumawag sa kanya sa real name niya.

Hindi ko alam pero inaya ko na lang si Brix na lumabas at magliwaliw.

Naglakad-lakad lang kami sa park at nagkakwentuhan about sa isa't-isa and after nun ay naisipan naming mag dinner.

At ngayon ay nakapangalumbaba siya sa harap ko habang hinihintay namin yung food.

"Masaya naman ako huh?" sabi ko sa kanya.

"Yeah right pero parang iba naman ang dahilan ng pag ngiti mo diyan kanina."

"Whatever Brix." sabi ko na lang.

Napa sigh na lang ito.

"Bakit kasi ayaw mo sa akin?" Tanong niya ulit.

Actually lahat na ng katangian na hihilingin mo sa isang lalaki ay meron si Brix. Pero ewan ko ba hindi ko talaga mahanap sa kanya yung hinahanap ko.

Nanligaw siya sa akin last week pero pagkatanong na pagkatanong niya kung pwede manligaw ay basted na agad siya. Pero hindi iyon naging hadlang para hindi kami maging magkaibigan.

Sabi ko nga kanina mabuti siyang tao at mabilis lang makagaanan ng loob.

Kahit nabasted ko siya ay nagpatuloy siya sa pagsuyo sa akin. Kaya akala talaga ng lahat ay pinayagan kong manligaw itong si Brix sa akin.

Kahit nga si Ana ay ang alam nanliligaw sa akin itong si Brix. Sinabi ko na nga sa kanya na hindi pero ayaw niyang maniwala.

"I don't know Brix." Sabay kibit balikat ko.

Ako naman ang napa sigh.
Ano kayang ginagawa nila Ana at Skyler ngayon?

Damn! Naalala ko na naman yung muntik mangyari sa amin kagabi. Nakakahiya kay Skyler.

Hindi ko rin alam kung ano ang pumasok sa isip ko at nagawa ko iyon. Pareho kaming nasa wisyo pero bakit ganoon na lang ang nararamdaman ko tuwing mapapatitig ako sa mga labi niya?

Tapos si Skyler tumutugon siya sa mga ginagawa ko sa kanya, hindi kaya pareho kami ng nararamdaman?

Yung mga hindi ko masabi sa best friend ko, kapag sinabi ko kaya kay Skyler ay matatanggap niya? Kung totoo man na iisa lang kami ng nararamdaman.

Pero natatakot ako, paano kung ako lang pala ang nakakaramdam nito?

"Kanina ngumingiti ka ng mag-isa, ngayon para kang nabagsakan ng langit at lupa." seryosong sabi sakin ni Brix.

Ngumiti na lang ako sa kanya ng pilit.

"Si Sky na naman 'noh?" patuloy ni Brix.

Nakipagtitigan ako kay Brix ngayon pero ako rin ang unang umiwas.

Muli ay napa-sigh na lang ako at napa-crossarms bago ibinalik ang tingin kay Brix.

Napapakagat pa nga ako ng labi dahil parang gusto ko ulit magkwento kay Brix.

Nitong mga nagdaang araw kasi ay siya ang napagsabihan ko ng mga nararamdaman ko.

Ang sama ko ba? Dahil alam kong may gusto siya sa akin pero hindi ko masuklian ang feelings niya at siya pa itong nasasabihan ko ng mga ka-dramahan ko sa buhay.

Girl CrushWhere stories live. Discover now