Chapter 12 - Picture

7.1K 235 18
                                    

Skyler


NAKASAKAY na kami ngayon sa van at pauwi na ng city pero iba na ngayon ang pwesto namin dahil katabi ko na ngayon sa likod si Miley at si Kiana naman ay kay Bria tumabi.

Ayaw pa ngang pumayag nung una ni Miley pero napapayag din siya dahil sa kakulitan ni Kiana.

Tahimik lang kami ni Miley sa likod samantalang si Bria at Kiana ay patuloy ang kulitan.. Si Thomas naman ay nakatulog na sa harapan buti na lang pala at nagpasundo kami sa driver nila Thomas.

Mukhang wala talagang balak na kausapin ako ni Miley huh.

Pero sa pagkakatanda ko okay naman kami? Naalala ko pa nga nung nakita ko siyang napakagat ng labi habang nakatingin siya sa mga abs ko. Napa-smirk na nga lang ako dahil ganun pala ang epekto ko sa kanya. Kahit si Kiana ay hindi nakaligtas.

Mahaba-haba na ang naging byahe namin, yung dalawa kanina na sobrang ang kulitan ay napagod na ata kaya ayun parehong tulog.

Ako na lang ang gising at yung driver dahil kahit si Miley ay tulog narin.

Tumingin ako kay Miley at kita ko kung paano ito nahirapan sa kanyang pwesto kaya ang ginawa ko ay lumapit ako sa kanya at isinandal sa akin ang kanyang ulo.

Napakagat pa ako ng labi dahil akala ko magigising siya dahil gumalaw ito pero laking tuwa ko dahil lalo siyang sumiksik sa akin.

Inayos ko ang sarili ko dahil tiyak na ako ang mahihirapan kaya ngayon ay nakaakbay na ako sa kanya at siya naman ay nakayakap na sa akin.

Hinalikan ko pa ang ulo niya bago ko ipinikit ang aking mga mata. Sana lang ay hindi siya magalit sakaling makita ang pwesto namin kapag nagising siya.

Hindi pa nga ako nananaginip ng biglang makarinig ako ng tunog ng camera?
Pag dilat ko ay nakita ko si Bria na nakangisi sa akin at nakatapat sa amin ang kanyang cellphone.

"How sweet." bulong ni Bria.

"Anong ginagawa mo?" bulong ko pabalik.

Tulog parin kasi si Kiana at Miley.

Pinakita niya sa akin yung picture sa phone niya na pareho kaming tulog ni Miley at nakayakap sa isa't-isa.

"Delete that! Mamaya makita ni Miley yan." bulong ko ulit

"Nah! Remembrance 'to noh! At tsaka don't worry tayo lang makakaalam nito. Send ko sayo mamaya." Sabay wink niya.

"Bahala ka!" sabi ko na lang.

Pero ang totoo niyan laking ngiti ko sa loob-loob ko dahil ang cute naming dalawa ni Miley sa picture.

Maasahan talaga si Bria! Naalala ko tuloy yung napag-usapan namin about sa nangyari sa amin ni Miley.

"Ano ba talaga ang nangyari?" tanong ni Bria ng makapag-usap kami ng masinsinan sa room namin.

"Nag kiss kami that's it." sabi ko pero hindi ko napigilang maalala yung ginawang pag grind sa akin ni Miley kaya napaiwas ako ng tingin kay Bria na tiyak akong kapansin-pansin.

"Hey! Namumula ka! Anong nangyari? Why do I have this feeling na hindi lang kiss ang nangyari? Tell me Sky dahil hindi kita titigilan." tumingin ulit ako kay Bria na nakataas na ang isang kilay sa akin.

Girl CrushWhere stories live. Discover now