Chapter 4 - Nakaw tingin

9K 285 43
                                    

Skyler




NANDITO na kami ngayon sa unit namin at tahimik na pinagmamasdan si Kiana.
Nakatulog kasi ito sa sasakyan kanina habang pauwi kami at binuhat na lang siya ni Thomas para hindi siya magising.

"Matagal mo na bang alam na niloloko ni Max si Kiana?" tanong ni Bria kay Thomas.

"Yeah, almost half a year narin, malapit na sila mag anniversary ni Max pero sa loob ng mahigit isang taon na yun ay mukhang si Kian lang ang nagmamahal. Alam niyo bang tuwing tatawag sa akin si Kian ay umiiyak ito? At wala akong magawa dahil nasa states ako, gustong-gusto kong durugin pagmumukha ng Max na iyon pero hindi ko magawa dahil mahal siya ni Kiana." Malungkot na tumingin ulit si Thomas kay Kian.

"Bakit kasi ayaw pa makipag hiwalay ni Kiana kung ganun din lang?" sabat ulit ni Bria.

"Bria hindi mo ba narinig? Mahal ni Kian si Max. Hintayin mo na lang na mawala ang pagmamahal na iyon o kaya magising siya sa katotohanan na walang patutunguhan yung relasyon nila." Ako naman ang tumingin sa natutulog na si Kian.

Napakapayapa nitong tingnan, malayong-malayo kapag nakita mo ang mga mata niyang sobrang lungkot.

Ano kaya pwede kong gawin para maging masaya si Kian?
























KINABUKASAN ay ako lang ang naghatid kay Kian sa kanyang unit. Maganda rin yung condo unit ni Kian, in fairness!

Susunod na lang sa amin si Thomas na inaasikaso ang kanyang papel at si Bria na pinuntahan si Paul.

"Hindi niyo naman kailangan na gawin ito. Okay na ako Sky." tawag pansin sa akin ni Kian.

Pinagluluto ko kasi siya ng favorite niyang Carbonara. Humarap ako sa kanya na ngayon ay nakapout, kaya natawa ako saglit dahil ang cute-cute niya.

"Wala naman akong sinabing hindi ka okay. Basta just sit and relax okay?" At nagpatuloy na ako sa ginagawa ko.

"Ano pa nga bang magagawa ko? Mas makulit ka pa kay Thomas. Mabuti na lang at wala dito si Miley dahil kung nagkataon sasakit ang ulo ko sa inyo. OA pa naman yun kung mag-alala baka nga siya pa ang magpaligo sa akin."

"Talaga? Kung ganun magkakasundo kami. Tiyak na hindi makakalapit sayo yung girlfriend mong Cheater!" Nahinto ako bigla, gusto ko sana batukan ang sarili ko dahil sa nabitawan kong salita.

Humarap ako sa kanya at nakita kong nalungkot nga ito.
"Sorry!" ang nasabi ko na lang.. Tsk bakit kasi hindi ko napigilan ang sarili ko.

"No, okay lang... Totoo naman." At pilit siyang ngumiti.

Bigla namang may sunod-sunod na nag doorbell kaya nagkatinginan kaming dalawa.

Paano naman kasi halos sirain niya yung doorbell kakapindot.

"Labasin ko lang. Kapag ito si Thomas tatadyakan ko yung gitna niya." pabirong sabi ni Kian.

Napangiwi na lang ako.. Kasi malamang masakit yun. Pero in fairness dito kay Kian pinipilit niya talagang maging okay.

Sumunod ako kay Kian kasi naman gusto kong malaman kung sino yung taong maka pag doorbell akala mo ngayon lang nakapag doorbell sa tanang buhay niya.

Pagbukas ng pinto ni Kiana ay isang babae ang bumungad sa amin.

"Ana~" sigaw niya at yinakap ng mahigpit si Kian.

"Mi-Miley" hindi inaasahang tanong ni Kian.

Kitang-kita ko ang mukha ng dyosang nasa harap ko. WOW~ nakayakap parin kasi ito kay Kiana at napabitaw ito ng biglang magtama ang mga mata namin.

Girl CrushWhere stories live. Discover now