Chapter 24 - Boracay Day 2

5.5K 165 1
                                    

Kiana





NAGISING akong masakit ang ulo.

"Ahh" Daing ko at napahawak sa aking ulo, ang sakit talaga hindi na'ko nadala.

Bigla naman akong napadilat ng husto ng may marinig na nagsalita sa tabi ko.

"Sobrang sakit ba?" Tanong ni Bria.

"Kanina ka pa ba diyan?" tanong ko. Ang ganda pa ng upo niya at naka crossarms pa.

Tumango-tango siya. Tapos tinitigan na niya ako. Hinihintay ko pa nga kung may sasabihin siya.

"May problema ba sa mukha ko?" Takang tanong ko kasi nakatitig lang talaga siya sa'kin.

Pero ang loko nginitian lang ako.

"May gusto ka bang sabihin?" Umupo na ako sa kama kahit na medyo iniinda ko pa ang sakit ng ulo ko.

Feeling ko may gusto talaga siyang sabihin eh pero nagdadalawang isip siya. Iniwas niya muna ang kanyang tingin sa'kin at napakagat pa ng kanyang labi. How I wish nababasa ko yung isip niya.

"Ahm, kukuha na lang muna kita ng gamot." Tumayo siya at lumapit ng bahagya sa'kin at humalik sa noo ko bago lumabas ng room ko.

Tila huminto ang mundo ko ng mapagtanto ko ang ginawa ni Bria.
HINALIKAN NIYA AKO SA NOO!

Wait ano meaning nun?










"Miles di ba lagi kang hinahalikan ni Sky sa noo? Ginagawa niya rin ba kay Bria yun?" Mabilis na napunta sa'kin ang attention ni Miles ng dahil sa tanong ko.

Nandito kasi kami ngayon sa may gilid ng pool at pinapanood sina Sky, Bria, Thom at Brix na busy sa paglalaro ng hanapang coins sa pool.

"I don't think so, and ni minsan naman ay hindi ko pa napansin na hinalikan ni Sky si Bria sa noo. Ba't mo nga pala naitanong?" curious na tanong ni Miles.

Binalik ko ang tingin sa mga kaibigan ko lalo na kay Bria.

Masaya ko siyang pinagmasdan.

"Kanina kasi hinalikan niya ako sa noo!" Kinikilig kong kwento kay Miles.

"Huh, so ano ngayon ang sa tingin mo kung bakit niya ginawa yun?"

"Miles naman? Ano pa ba?" magkaharap na kami ngayon at hinahamon si Miles sa kung ano ang sa tingin niya ang ibig sabihin ng gestures na ginawa sa'kin ni Bria.

"Ano nga?" Balik hamon sakin ni Miles.

"Alam mo namang may gusto ako kay Bria di ba?" seryoso kong tanong kay Miles.

"Alam na alam! Actually tuwing mag kikwento ka nga ng about kay Bria, kulang na lang mag heart shape yang mga mata mo. Minsan nga naisip ko kung talagang minahal mo si Max dahil hindi ko nakita ang ganyang saya nung kayo pa. Simula ng makilala natin sina Bria at Sky nagbago bigla yung aura mo. Mas naging masaya ka."

Napangiti ako ng bahagya sa sinabi ni Miles.

"Thanks Miles, kilalang-kilala mo talaga ako 'noh? And ikaw rin naman, sobrang saya mo tingnan ngayon. In love na in love ba? Masarap bang magmahal ang isang Skyler?"

"Sobrang sarap!" excited na sagot nito. Na sabay namin ikinatawa dahil parang may ibang meaning yung pagkasabi niya.

Saglit kaming natahimik at pareho kaming kumaway sa kinaroroonan nila Sky dahil nakita namin silang kumaway sa dereksyon namin.

"Sa tingin mo ba magugustuhan din ako ni Bria? You know sinasabi niya straight siya just like Sky pero tingnan mo ngayon? Patay na patay sayo yung isa." Balik ko sa usapan namin at lakas loob kong tanong kay Miles.

Girl CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon