Chapter 40 - Weird feeling

3.2K 112 5
                                    

Skyler




HINDI ko talaga inaasahang darating sa point ng buhay ko na hihinto ang buhay ko ng dahil lang sa isang tao.

Sabi nga ni Bria nagbago ako, pero nagbago nga ba? Hindi ako nagbago, sadyang nasaktan lang.

Hindi ba pwedeng masaktan yung mga masiyahing tao?

Tao lang ako na nararamdaman ang dapat maramdaman ng isang tao.

Hindi ko hiniling na kaawaan nila ako, ang akin lang ay ang pag-intindi nila at oras para maiahon ko ang sarili ko sa pagkalugmok.

Sobrang thankful naman ako sa mga kaibigan ko na hindi ako sinukuan. Tama sila kailangan kong lumaban para sa sarili ko.

Oo nasaktan ako kasi nagmahal ako, pero kailangan ko rin mahalin ang sarili ko.

Alam kong malalagpasan ko din 'to at lalaban ako hanggang sa huli.




































































































"Good morning!" Sabay ngiti ko kay Bria na kakadilat lang.

Biglang bangon naman ni Bria at kinusot-kusot pa ang mata.

"Sky?" takang tanong niya.

"Yes? Lets eat? Nakapagluto na ako nga mga favorite mong breakfast." sabay ngiti ko ulit.

"SKY! nagbalik ka na!!!" sobrang tuwa niya at napayakap pa sa akin.

Natawa na lang din ako.

"Hindi naman ako umalis ah? Nagmuni-muni lang." Pabiro kong sagot.

"Ah basta, hindi na importante kung anong nangyari sayo. Ang importante ay yung ngayon!" Maligalig na sagot niya.

"Oo naman, sige na tama na 'tong dramahan kumain na tayo baka malate pa tayo sa 7am class natin." sabi ko.

"Ay oo nga pala, tsaka magkikita pa kami ni Kiana bago yung kalse natin, bilisan na natin." Nagmadaling labas ni Bria sa kwarto.

Napailing-iling na lang ako.








































































































































HABANG naglalakad kaming dalawa ni Bria sa hallway papunta sa food square, kung saan naghihintay si Kiana ay pareho kaming nakakatanggap ng mga pagbati mula sa ibang estudyante. Kaming dalawa tuloy ay hindi matigil sa pag ngiti at pag sabi ng morning bilang sagot.

Kasabay nun ay may ibang hinahanap ang mga mata ko, pero hindi si Miley huh.

Tsaka bakit parang ako lang nakakaramdam? Ay bahala na nga.

"Grabe sikat na sikat ka parin? Nadamay tuloy ako." Sabi ni Bria.

"Kasalanan mo lahat ito eh, post ka kasi ng post ng pictures at mga videos ko". Sabi ko.

" Huh? Bihira na nga ako mag post eh, iniiwasan ko kasi na may malaman sila sa atin. Lalo na yung kay Kiana at Miley." sabi ni Bria.

Speaking of Miley, hindi maiiwasang di ko siya makita ngayon pero sana hanggat maaari ayoko na muna.

Kahit nakapag-decide ako na tanggapin na kailangan ko siyang palayain, hindi ko maitatanggi na sana bumalik siya.

Napansin ata ni Bria na natahimik ako kaya naman kumapit ito sa braso ko at inihilig ang kanyang ulo sa balikat ko.

"I know you miss her pero nandito naman ako eh, ako na muna magpapasaya sayo." malambing na sabi ni Bria.

Huminto ako sa paglalakad at hinarap si Bria.

"Bria, hindi na kailangan okay? Kaya ko na ang sarili ko. Ang gusto ko ay si Kiana ang pasiyahin mo, okay ba yun?" Seryoso kong sabi sa kanya.

Pero napanguso ito.

"Pero sabi ni Kiana pasiyahin kita, so sino susundin ko sa inyong dalawa?" Naguguluhan niyang sabi, na nakapag-pangiti sa akin ng bahagya.

"Ganun ba? Oh eh di problema mo na yun." Sabay tawa ko.

"Bria! Sky!" Tawag sa amin ni Kiana kaya nahinto ako sa pag tawa.

Si Bria ayun nakamungot parin.

Tumakbo palapit sa amin si Kiana at ng makalapit siya ay agad din itong yumakap kay Bria.

Napatingin ako sa paligid, wala naman gaanong tao na, dahil malapit na magstart ang klase. Pero bakit parang may sumusunod sa amin?

"Babe!" Ganting yakap naman ni Bria.

"Babe, sabi ni Sky instead na pasiyahin ko siya ay ikaw na lang." Sumbong nito.

"Kasi okay naman na ako." Sabi ko.

"Mukha nga, nakita kitang tawang-tawa kanina eh." sabi naman ni Kiana na bumeso pa sa akin.

"Natawa lang ako sa reaction ni Bria." sabi ko.

"Sinong hindi? Kaya mahal na mahal ko yan eh lagi kasi akong pinapasaya." Sabi ni Kiana kay Bria.

Nakita ko naman kung paano namula si Bria, napangiti na lang ako. Sana hindi mangyari sa kanila yung nangyari sa amin.

Sana laging masaya si Bria at Kiana.

Hanggang sa tumunog na ang bell, sayang talaga at nahiwalay si Kiana at Miley sa subject namin ngayon, naubusan kasi sila ng slots samantalang si Brix at Thomas ay ganun din nasa ibang klase din.

"Pasok na'ko, sana lang ay makausap ko si Miley." sabi ni Kiana.

"Kita na lang tayo mamaya." ang sabi ko.

"Text ko na lang din sina Thomas at Brix kung saan magkikita after class." sagot ni Kiana.

Tumango ako bilang sagot.

"Sige na guys, mauna na ako. Bye." paalam niya at nag flying kiss pa kay Bria.

Kitang-kita na naman ang saya kay Bria.

"Tara na din. Late na tayo!!" Sabi ni Bria.

"Let's go." sagot ko.

Kumapit muli sa akin si Bria habang patungo kami sa classroom namin.

Tumingin pa ako sa likod ko sa huling pagkakataon pero wala naman ng tao.

Kanina kasi para talagang may nakatingin sa aming tatlo.

Ang weird lang ng feeling.

Girl CrushDonde viven las historias. Descúbrelo ahora