Chapter 68 - Like Mother, Like Daughter

3.1K 107 17
                                    

Skyler


"Skyler isa?" asar na sabi ni Miley habang nandito kami sa loob ng sasakyan ko.

Kakarating lang kasi namin at nandito kami sa loob ng garahe ng bahay namin. Kanina niya pa gustong bumaba pero hindi ko pinapayagan hanggat hindi siya pumapayag sa gusto ko.

"Say yes muna." nakangiti kong sagot sa kanya.

"Skyler No! okay? Nakakahiya kay Tita at isa pa nandito din si Mama." sabi niya.

"Parang matutulog ka lang naman sa kwarto ko eh, tsaka ba't sa condo tumatabi ka sa akin." Dismayado kong sagot dahil ayaw niya talagang pumayag.

"Iba yun, hindi naman alam nila Mama yun at tsaka talaga ba? Matutulog lang? Knowing you?" at nagtaas pa siya ng isang kilay.

Napangisi na lang ako sa sinabi niya.

"Bakit ako lang? Ikaw din kaya. At tsaka may utang ka pa sa akin. Hindi ko nakakalimutan yung sinabi mo kanina na babawi ka sa akin sa bahay." tinaas-taas ko pa ang aking kilay.

Napailing-iling siya pero nangingiti narin.

"Ibang klase, sige na suko na ako." tinaas niya pa ang kanyang kamay.

"Really? Susuko mo narin ba sakin pati yung bataan mo?" nakangisi kong sagot pero nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko at nakatanggap ng hampas sa braso mula sa kanya.

"Aray naman baby!" natatawa kong sabi sabay himas ko sa braso na hinampas niya.

"Ang bastos mo! Umayos ka nga nasa bahay niyo tayo." gigil na sabi nito.

Hindi ko mapigilan ang hindi matawa, ang cute-cute naman kasi!

"Binibiro lang kita, alam mo namang abot hanggang langit ang respeto ko sayo." sabay hawak ko sa kamay niya at hinalikan ang likod ng palad nito.

"I know Skyler." sagot naman niya at binigyan ako ng isang matamis na ngiti.







































































"Yaya, asan po si Mama?" tanong ko sa kumuha ng mga gamit namin.

"Ah nasa library po sila ni Mam Sara." sagot ni Yaya.

"Ganun po ba, sige po. Salamat." sagot ko.

"Halika na Skyler, excited na'kong makita sina Mama at Tita." aya sa akin ni Miley.

Napangisi na lang ako dahil para siyang bata na hinihila ako.

"Oo na, oo na." sagot ko.

Nagtungo agad kami sa library kung saan madalas si Mama tumambay, dahil gaya ko ay mahilig din itong magbasa kapag pahinga niya. Pero sa pagkaka-alam ko ay ngayon na lang ulit siyang nahilig sa pagbabasa simula ng magkaayos sila ni Tita Sara.

Noon kasi lagi siyang subsob sa trabaho at tila walang time magbasa, pero ngayon mas gusto niya laging kasama si Tita Sara.

Nasa tapat na kami ng pinto ng library ng dahan-dahan kong binuksan ang pinto, hindi talaga nagla-lock si Mama pero bago pumasok lagi niya kaming sinasabihan na kumatok, pero ngayon hindi na ako kumatok para i-surprise siya.

Nang makapasok na kami ay luminga-linga ako, medyo malaki din kasi itong library.

"Wow ang laki naman pala sa loob nito." manghang saad ni Miley.

Girl CrushWhere stories live. Discover now