Chapter 7 - Sakit sa ulo

7.5K 223 22
                                    

Skyler



NANG hindi ko makita sa dalampasigan si Kian ay naisipan kong dumiretso sa room nila.

Dito ay naabutan kong pinapatahan siya ni Miley dahil sobrang hagulgol nito sa iyak.

"What happened to my best friend?" salubong sa akin ni Miley.

Pero halos di ako makapagsalita dahil hindi ko alam kung gusto bang ipaalam ni Kian ang mga nangyari kanina.

At syempre hindi rin talaga ako makapagsalita dahil sa nakikita kong napakasexy na si Miley. Wow!

Nabalik lang ako sa kasalukuyan ng marinig na magsalita si Miley.

"Ana, I'm here.. You can tell me anything." si Miley.

"Look at me." At pinunasan ni Miley ang mga luha sa kanyang mga mata.

"M-Miles... Si.. Si M-Max nandito siya..." halos hindi makapagsalita ng maayos si Kian dahil sa sobrang iyak nito.

Humarap sa akin si Miley at naghihintay sa aking sasabihin.

"Totoo ba yung sinabi niya?" tanong niya.

Tumango ako bilang sagot.

"Ano ba talaga nangyari?" tanong ulit niya.

Sasagot na sana ako ng biglang may nagsalita sa likod ko.

"OMG! What happened?" dali-daling lumapit si Thomas kay Kian.

"Nandito daw si Max.. Kaya ayan." sagot ni Miley.

"What? At ano na naman ang ginawa ng babaeng yun kay Kiana?" niyakap naman ni Thomas si Kiana na ngayon ay unti-unti naring tumatahan.

Kahit ako ay gusto ko siyang yakapin, parang ayaw ko siyang makita na nagkakaganito yung nasasaktan.

"Nakita ko si Max kanina may kasamang babae... Yung kahalikan niya sa bar." At tumulo na naman ang luha ni Kian habang sinasabi niya iyon.

"Eh bakit nagkaganito ang itsura mo?" muling tanong ni Thomas.

"Huh ano kasi nakita ko siya na nakikipagsambunutan dun sa babae.." sabat ko.

"Ay naku tama lang na sinambunutan mo yung babaeng yun! Yung Max? Kapag nakita ko talaga siya tsaka yung babae niya SISIKMURAAN KO SILANG DALAWA!" Nang-gigil na sabi ni Miley.

Gusto ko sana matawa sa reaction ni Miley dahil ang cute pero next time na lang, seryosohan muna.

"Baka nga makita pa natin sila dahil maliit lang naman ang resort na'to. Kaya ikaw Kiana, wag na wag kang lalayo sa amin okay?" sabi ni Thomas.

Tumango si Kiana. "Thank you guys huh! At lalo na sayo Sky." Pinilit niyang ngumiti sa akin kahit na medyo nangingilid pa ang luha niya. Kaya ngumiti na lang din ako tanda na naiintindihan ko siya.

"Ikaw, are you okay?" nagulat pa ako kay Miley dahil sinabayan niya pala ako palabas ng room.

"Yeah! Ikaw na muna ang bahala kay Kiana. Puntahan ko lang si Bria."

"Thank you nga pala huh."

"Wala yun. Friend ko narin naman si Kiana kaya gagawin ko ang lahat maging okay lang siya."

Ngumiti lang siya sa akin kaya ngumiti na lang din ako. Bakit ganun pag siya talaga ang kasama ko parang ang gaan lang ng atmosphere.




































Girl CrushWhere stories live. Discover now