Chapter 63 - What a Plot Twist

2.8K 120 6
                                    

Thomas



"You won't believe this!" sabi ulit ng Tita ni Ari. Lumapit pa siya kay Ari saka ako pinakatitigan.

"Siya yun!" sabi niya pa ulit.

Ako naman ay takang-taka na. Ang weird naman  ng Tita niya.

"Ang alin ba Tita? Nakakahiya na kay Thomas." takang tanong narin ni Ari.

"Siya yung lalaking hinahanap mo sa states!" Ani ng Tita niya.

Nanlaki bigla ang mga mata ni Ariana sa sinabi ng kanyang Tita.

"No way!" sabi pa ni Ari.

"Yes way, my dear pamangkin. Hindi ako pwedeng magkamali, siya yung kahalikan mo sa bar noon." walang pasintabing ani ng Tita.

"TITA! ssshhh ibuko ba ako?" nahihiyang sabi ni Ariana.

Samantalang ako ay naguguluhan, anong kahalikan sa bar? Ako? Kahalikan sa bar ni Ariana noon?

Wala akong natatandaan na nangyari iyon.

"Ah excuse lang po ah, pero wala po akong alam sa sinasabi niyo. Nakilala ko po si Ariana sa Batangas then after ng may mangyari sa amin hindi na po nasundan iyon." ani ko.

"No Hijo, I mean bago kayo nagkakilala sa Batangas, nagkita na kayo noon sa states." sabi ng Tita ni Ariana.

Biglang nag flashback sa akin ang mga nangyari noong gabing nakilala ko sa isang bar ang lalaking unang nagpatibok sa puso ko.


















Palabas ako ng CR nang makita ko ang isang lalaki na gegewang-gewang maglakad sa sobrang kalasingan, hindi ko na dapat papansinin pero napansin kong nilapitan siya ng dalawang blonde na babae at may pinainom dito.

Nagmasid muna ako kung magkakakilala sila pero base sa nakikita ko ay hindi.

Sa tingin ko naman ay drugs ang pinainom nila dito dahil after nila painomin ito ay nagtawanan yung dalawa at nag-apir pa. Pilit pa nilang inaaya na sumama sa kanila yung guy.

Ang payat naman kasi ng lalaking iyon kaya kung hila-hilahin siya ay nadadala na lang basta-basta.

Aalis na sana ako at hahayaan na lang siya dahil lalaki naman siya at walang mawawala sa kanya pero hindi ko talaga siya maalis sa isip ko at instead na hayaan siya ay nakita ko na lang ang sarili ko na papunta sa kinaroroonan nila.

"Bro! Kanina pa kita hinahanap nandito ka lang pala." sabi ko sa lalaki.

Nagkatinginan naman yung dalawang blonde na babae. Tsk mga brat.

"Excuse me? What are you saying?" Mataray na sabi ng isang blonde na maikli ang buhok.

Hindi nga pala nakakaintindi ng tagalog 'to.

"Sorry but he's my friend and I've been looking for him for almost an hour already so... Sorry girls but let me take care of him." I said.

Dali-dali kong inakay papalayo sa kanila yung guy bago pa ito maka-pag react kung sino ako.

Mabuti na lang at hindi na humabol pa yung dalawang blonde, nang makalayo-layo na kami at nakalabas narin sa bar ay bigla na lang niya akong sinandal sa pader at siniil ng halik.

Nanlaki ang aking mga mata! WTH? Itutulak ko na sana siya pero mas pinalalim niya ang mga halik na nakapagpahina sa akin.

It's my first time, hindi ko alam ang gagawin. To the fact na pareho kaming lalaki at dapat ay tinutulak ko na siya pero hindi.

Girl CrushOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz