Chapter 41 - Uh-Oh

3.2K 120 18
                                    

Skyler




AFTER class ay nagpunta agad kami ni Bria sa tambayan namin, kung dati kaming dalawa lang, ngayon ay makakasama na namin sina Kiana.

"Ang tagal naman nila Thomas at Kiana?" Halata na kay Bria ang pagkainip.

"Ano ba yan dalawang oras lang kayo di nagkasama ni Kiana miss mo na agad?" sabi ko.

"Hindi naman sa ganun, excited lang ako malaman kung anong nangyari sa kanila ni Miley. Ikaw hindi ka ba curious?" balik tanong niya.

"Magkaibigan na sila bago pa natin sila nakilala, malamang okay parin sila. Walang magbabago, alam mo naman kung gaano ka-close yung dalawa." sagot ko.

"Kung sa bagay, eh ikaw ba kaya mo siyang makasama ngayon? I'm sure akong isasama ni Kiana si Miley dito."

"Wala naman ako magagawa, kaibigan niyo parin siya. At tsaka okay nga na nakakasama ko siya at least malalaman ko parin kung masaya talaga siya." sincere na sabi ko.

"Mahal mo talaga ah." pabiro niyang sabi.

"Kapag nagkaroon nang pagkakataon na mabawi ko siya, gagawin ko. Pero for now hahayaan ko na muna siya sa gusto niya. Siya ang umalis, siguro naman kaya niya ring bumalik? Pag-nangyari yun, willing akong tanggapin siya agad-agad, nang buong puso pa." sabay ngiti ko sa kanya.

"Bilib na talaga ako sayo Sky. Siguro kung walang Kiana na-fall na ako." sabi ni Bria.

"Hindi rin, tagal na nating mag best friend pero wala man lang nangyari.." sabi ko.

"Oy hindi ah, crush kaya kita." sabi ni Bria.

"Dapat na ba akong magselos?" Biglang sulpot ni Kiana na nakataas pa ang kilay.

"Uh oh." Pabiro kong sabi.

"Oh another hiwalayan oh." sabi ni Thomas.

"Bro! Grabe naman yun." sabi naman ni Brix.

"Nah, baka ako pa ang dapat magselos. Kayang-kaya mong agawin sa akin si Kiana." Biglang sabi ni Bria na ikina-kunot noo ko.

"Bakit mo naman nasabi yan?" Kunot noong tanong ko.

"Seriously Bria?" Nangingiting tanong ni Kiana.

"Just kidding hahaha I know you babe, patay na patay ka sakin." Natatawang sabi ni Bria.

"Wow, nagsalita ang mas patay na patay sa akin." sabi ni Kiana.

"Oy hindi ah, Crush ko nga si Sky eh hindi lang ikaw." Pang-aasar ni Bria.

"Tss. Parang totoo ah.. " sabi ko na lang, alam ko naman kasing pinagtitripan lang ako nitong si Bria.

"Panira ka talaga ng momentum." asar na sabi ni Bria.

Natawa na lang din tuloy sina Kiana.

"Oo nga pala bakit ngayon lang kayo? Si Miley?" Si Bria.

"Ay yun na nga hindi pumasok si Miley. Tapos kanina habang papunta ako dito parang nakita ko siya, hinahanap ko naman siya ng makita ko tong dalawa at nagpasama ako sa kanila pero wala kaming nakitang Miley." si Kiana.

"Sabi ko nga sa kanya baka guni-guni niya lang yun." sabi naman ni Thomas.

"Tsaka bakit naman pupunta ng school si Miley tapos di naman papasok? At para pagtaguan tayo? For what naman? Eh di ba nilinaw na niya ang lahat?" seryosong sabi ni Brix.

May point din si Brix. Bakit kailangan niyang magtago? Siya itong nakipaghiwalay dapat taas noo parin niya akong harapin.

"Guni-guni mo nga lang siguro yun." sagot ko.

Babanggitin ko ba sa kanila yung parang may sumusunod sa amin ni Bria kanina? Pero baka guni-guni ko lang din yun. At tsaka baka isa sa mga fangirl lang din. Alam niyo na sikat daw ako sabi nitong si Bria.

"Pero si Miley talaga yun eh." pagpipilit ni Kiana.

"Ay naku Babe, baka miss mo lang si Miley.
Don't worry bibigyan kita ng time para makasama mo si Miley habang ako naman ay dito muna kay Sky. Lam mo na baka biglang tumalon na lang 'to eh." si Bria.

Tiningnan ko nga ng masama, kung ano-ano pinagsasasabi.

"Guys mabuti pa pumasok na tayo sa next class. Nag start na naman kayo eh." si Brix.

Gumaganti talaga 'tong si Bria eh, alam niya kasing mananahimik muna ako sa mga pang-aasar niya. Pag ako talaga nakamove-on lagot siya sa akin.



























































































































































NANDITO kami ngayon sa food square, sa madalas na upuan namin ni Bria. Hinihintay namin sina Thomas at Brix na umorder ng makakain namin.

"Bakit ganyan ka makatingin sa amin ni Sky, babe?" takang tanong ni Bria.

Actually kahit kanina sa klase ay napansin kong iba ang tingin niya sa amin, may kasamang panunuri at para bang ang lalim ng iniisip.

Panay ang dikit kasi sa akin ni Bria at nasobrahan sa lambing, halos ayaw nga bitawan ang braso ko. Tapos nung papasuway ko sana kay Kiana ay iyon ang nakita ko.

Nakita niya pa nga akong nakatingin pero binigyan niya lang ako ng isang ngiti, sabay alis ng tingin niya.

"Bria, alam mong mahal na mahal kita di ba?" seryosong sabi ni Kiana.

Napakunot noo naman si Bria.
Ako naman ay tahimik lang na naghihintay sa sasabihin ni Kiana.

Bakit feeling ko mapapasubo ako sa ano mang sasabihin ni Kiana?

"Babe? Oo naman at tsaka bakit bigla-bigla mo na lang tinatanong yan? Mahal na mahal din kita okay? Naglalambing ba ang babe ko?" sabay tayo niya at lumipat sa tabi ni Kiana.

Yinakap patagilid ni Bria si Kiana at gumanti din naman si Kiana, hinalikan niya pa ang tuktok ng ulo ni Bria.

Bigla ko tuloy namiss si Miley.

Inalis ko na lang ang tingin sa kanila dahil baka maiyak na lang ako bigla, kahit anong pilit kong tanggapin na okay ako hindi ko maiwasang mamiss siya at maramdaman yung sakit. Wala eh, mahal ko talaga.

Iniisip ko pa nga lang na baka wala na kaming pag-asa ay gusto ko na namang magmukmok.

Pero nangako ako kina Bria na kayanin ko 'to. Kaya self, be strong huh, malalagpasan mo din 'to.

"Babe, let's break up." sabi ni Kiana na ikinabigla namin pareho ni Bria.

"Babe, let's break up."

"Babe, let's break up."

"Babe, let's break up."

"Babe, let's break up."

Inalis ko ang tingin ko sa kanila pero rinig na rinig ko kung ano yung binitawang salita ni Kiana. Nag paulit-ulit pa ito sa akin isipan.

Puno ng pagtataka tuloy ang makikita mo sa itsura ni Bria, malamang sa akin din dahil bakit bigla na lang nakipag break si Kiana kay Bria?

Girl CrushWhere stories live. Discover now