Chapter 52 - I won't give up

3.3K 121 52
                                    

Miley




KAKALABAS lang naming tatlo ng simbahan at itong si Kiana ay hindi parin matahimik sa kakangawa.

"Ang sabi mo may importante tayong pupuntahan kaya hindi ako pumayag ng mag-aya si Bria magsimba, tapos malalaman ko na aayain mo lang ako magsimba? Bakit hindi na lang tayo sumabay sa dalawa?" naniningkit ang mga mata na tanong sa akin ni Kiana.

"Oh so hindi mo pa pala alam ang ginawang kalokohan niyang best friend mo?" singit ni Sabine.

Sinamaan ko nga ng tingin si Sabine.
Nilalaglag na naman ako eh.

Biglang nagtaas ang kilay ng isa at ito na alam kong hindi niya ako titigilan hanggat hindi ko sinasabi sa kanya ang totoo.


































































































"WHAT?" Gulat na sigaw nito ng sabihin ko sa kanya ang nangyari sa amin nung isang gabi ni Skyler.

Tumango-tango ako.

"WAIT! wala kaming ginawang milagro ni Bria ah! Nadulas kasi siya sa banyo that time at hinilot ko lang!" Depensa niya.

"No way! Alam mo bang ginawa ko yun kasi akala ko nag-aano kayo, EH KASI NAMAN MAKA-UNGOL SI BRIA AKALA KO TALAGA..."

"My god Miles, ang green ng utak mo ah!" putol ni Kiana sa sinasabi ko.

"Hoy grabe ka sa akin, akala ko nga lang eh. Ayoko lang na maabutan kayo ni Skyler na nag-aano..."

"Eh kaso Miley, ikaw naman 'tong may ginawa, so paano na yan?" Singit ni Sabine.

"Eh yun na nga ang problema ko, nahihiya ako sa ginawa ko. Kung alam mo lang kung anong pagpipigil ang ginawa ko nung isang gabi." sabi ko.

"Maybe it's my fault, kung hindi sana ako pumayag na matulog sa room ni Bria eh di sana wala kang problema ngayon." sabi naman ni Kiana.

"Okay lang yun Kiana, believe me nag enjoy yan si Miley." sabat naman ni Sabine.

"Kanina ka pa ah, babatukan na kita." Pabiro kong sabi kay Sabine.

To be honest naman kasi nag enjoy talaga ako, sobrang namiss ko kaya ang mga halik ni Skyler.

"Kitam kakatapos lang natin magsimba pero malamang ang isip niyan na kay Skyler, inaalala yung nangyari nung isang gabi." sabi ni Sabine.

"Shut up Sab!" At pinaningkitan ko ng mata.

Samantalang si Kiana ay natatawa na lang sa amin ni Sab.

"Kaya pala kahit anong aya kong pumunta kahapon sa kanila at busy-busyhan ka pang nalalaman ah." sabi ni Kiana.

"Wait, wala bang nabanggit sayo si Bria?" curious kong tanong.

"Uhm, wala naman feeling ko wala pang alam si Bria about sa nangyari sa inyo." sabi ni Kiana.

"Kung ganun malamang gulong-gulo si Sky ngayon." sabi naman si Sab.

Tila nakunsensya naman ako. Naranasan ko kaya yun, yung gulong-gulo ka sa sarili mo.

I mean alam kong naramdaman ni Skyler yung nais kong ipahiwatig sa kanya.

At sa state niya na ang alam niya ay straight siya pero nakipaghalikan siya sa isang babae at nagustuhan niya? Nagustuhan niya yun, alam ko dahil tumugon siya sa halik ko.

Malamang talaga ay kinakausap niya na ang sarili niya ngayon.

Pero di ba malay natin bumalik ang ala-ala niya dahil sa ginawa ko?










































































































NASA school na kami ngayon at kanina ko pa pinagmamasdan si Skyler.

Well hindi lang ako halos lahat kami at binabantayan ang bawat kilos ni Skyler.

Hindi ko nga inaasahan yung ginawa niya kanina ng makita ako. Nag good morning siya at nginitian ako.

Ano yun, ako lang yung tinablan sa ginawa namin? Tapos sa kanya wala lang?

May mangilan-ngilang bumabati kay Skyler pero hindi naman na bago ito kaya hindi kami nababahala dahil kahit noon pa man ay sikat na si Skyler sa school.

"Look parang walang amnesia si Sky noh?" sabi ni Sabine sa akin.

"Ssssh, baka marinig ka." sabi ko.

"Kami nila Kiana lang naman ang nakalimutan niya. Bukod dun naalala niya ang lahat. Kung gugustuhin niya nga ay mabubuhay siya kahit wag na niya kami alalahanin." sabi ko pa.

"Sa kanya okay lang pero sayo?" real talk ni Sabine.

"Pwede ko naman siyang paibigin ulit di ba?" sabi ko.

"Weh? Kaya mo?" sabi niya.

"Hoy! Nagbubulungan na naman kayong dalawa!" biglang sulpot ni Kiana.

"Ito kasing si Miley, paiibigin niya na lang daw ulit si Sky kung sakaling di na bumalik ala-ala nito." sumbong ni Sabine.

Napataas naman ang kilay ni Kiana.

"Really? Kaya ba sinunggaban mo na si Sky?" pabirong sabi ni Kiana.

"Hoy, hindi ko talaga sinasadya yun." sabi ko.

Samantalang nagtawanan naman si Kiana at Sabine.

"Sssshh palapit na sila." sabi ko.

"Guys nagugutom daw si Sky, saan tayo?" aya ni Bria.

"Teka wait na muna natin sina Thomas at Brix nag CR lang." sabi ni Skyler.

"Oh, lalaki na ngayon ang hinihintay, iba talaga ang tropa natin." sabi naman ni Kiana.

"Guys pwedeng mag pizza tayo? Nagki-crave ako sa carbonara." sabi ko.

Napatingin naman sa akin si Kiana.

Malay mo lang naman may maalala si Skyler dahil sa carbonara.
























































































































































HABANG kinakain ko yung carbonara na inorder ko ay napansin kong napapatingin sa akin si Skyler pero syempre hinahayaan ko na lang.

Nasanay narin naman ako na lagi siyang ganun sa akin.

Gusto ko na nga minsan tanungin si Skyler pero baka mamaya assuming lang ako.

Pero kasi ganyan na ganyan siya sa akin noon eh, pasulyap-sulyap at ganun din ako sa kanya tapos ayon naman pala crush namin ang isa't-isa.

What if maglakas loob akong magsabi ng totoo? Pero baka naman makasama sa kanya.

Baka instead na maalala niya ako ay makalimutan niya ako lalo, and kahit na sabihin kong pwede ko naman siyang paibigin muli, mas gusto ko paring maalala niya ang lahat ng pinagsamahan namin. Lalo na yung unang pagkikita namin at lahat ng first na pinagsamahan namin.

Gusto ko maalala niya ang lahat ng iyon dahil alam ko at nasaksihan ko kung paano siya naging masaya sa kung anong meron kami.

Kaya gagawin ko ang lahat, maalala niya lang isa-isa yung mga nakalimutan niya.

Hindi siya sumuko sa akin, ngayon it's time for me na wag siyang sukuan.

I won't give up Skyler.

Girl Crushजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें