Chapter 45 - Miley Adriano

3.4K 130 15
                                    

Miley




THREE days na ang nakalipas at hindi parin nagigising si Sky.

Three days ko naring sinisisi ang aking sarili sa nangyari sa kanya.

Three days naring nag-aalala ang mga kaibigan ko para sa kalusugan ko dahil sa wala akong ganang kumain.

Oo nilalayuan ko si Sky, pero hindi yung ganito kalayo. Yung feeling ko kapag umalis ako sa kwarto niya ay baka hindi ko na siya makita? Hindi ko matatanggap! Sobrang sakit.

Papa God, please naman oh gisingin niyo na po si Sky. Joke lang naman po yung sinabi kong hindi ko na siya mahal, tsaka yung mga paglayo ko sa kanya? Wala lang po talaga yun, inarte ko lang. Please lang po Papa God ibalik niyo na po siya sa akin. Promise po aalagaan ko na siya at mamahalin ng lubos. Hinding-hindi ko na po ulit siya ipagtatabuyan.

Hindi ko namalayang tumutulo na naman ang aking mga luha. Wala na yata akong ibang ginawa kundi ang kausapin ang panginoon at umiyak ng umiyak.

"SKY!" isang sigaw ng babae ang umagaw sa pansin ko at ng makita ko kung sino ay mabilis akong nagpunas ng luha at napatayo sa kinauupuan ko.

Ang Mama ni Sky, kasama si Bria at Kiana na tahimik lang na nakasunod dito. Nakita ko lang siya sa mga pictures na pinakita sa akin ni Skyler, sobrang ganda pala niya sa personal.

"H-Hello po." mautal-utal kong sabi.

Tila naman nabigla ang Mama ni Sky ng makita ako, pero nakabawi din agad ito at itinuon ang attention kay Skyler.

"Ang anak ko." Naluluha nitong sabi.

Marahan siyang lumapit kay Sky at hinawakan ang kanyang mga kamay.

"Nandito na si Mama, sorry anak kung ngayon lang ako nakapunta. Si Bria kasi kagabi lang sinabi." Kausap niya kay Sky.

"I'm so sorry Tita, ayoko lang po na mag-aalala kayo, eh akala ko po kasi magigising din agad si Sky." nakayukong sabi ni Bria.

"It's okay Bria, alam ko namang iyon din ang gugustuhin ni Sky. Ayaw na ayaw niyang nag-aalala ako." sabi ng Mama ni Sky.

"Huh, Hija maari ko bang malaman ang pangalan mo?" tukoy ng mama ni Sky sa akin.

Napasenyas pa ako na kung ako ba talaga yung kinakausap niya.

Tumango naman siya kaya sumagot na lang din ako.

"Ah, I'm Miley po." maikiling sagot ko.

"Ah Tita friend po namin at ito naman pong katabi ko ay si Kiana.. Mamaya po may pupunta rin po na iba pa naming kaibigan kasama po si Thomas." singit ni Bria.

Buti nga sumingit si Bria, kasi di ko alam kung paano ako magpapakilala.

Paano pag nalaman ng Mama ni Skyler na ako ang dahilan kung bakit nasa ganitong kalagayan siya?

Baka palayasin niya ako at ilayo kay Sky.

Ayaw kong malayo sa kanya ngayon, gusto ko pag nagising siya ay ako ang una niyang makikita.

"Si Thomas? Kailan pa siya nakabalik?" takang tanong ng mama ni Sky.

Kilala din pala niya si Thomas, sobrang close talaga ni Bria sa pamilya ni Skyler.

Kaya nga nung nalaman ko yung about sa palabas nilang sila na ay sobrang natakot ako. Magkahalong kaba, takot at sakit, dahil alam kong matatalo ako kung sakaling papipiliin si Skyler. Pero sana balang araw ako ang piliin niya.

"Ilang buwan narin po Tita, sa school narin po siya nag-aaral." sagot naman ni Bria.

"Ganun ba, mabuti naman at least may kasama na kayo sa school at hindi yung kayong dalawa lang lagi dahil nag-aalala ako na baka magkapalit na kayo ng mukha." nangingiting sabi ng Mama ni Skyler.

Halos mapanganga ako sa sinabi ng Mama ni Skyler, I can't believe na ganun siyang tao, magaan siyang kasama. Akala ko kasi seryoso siyang tao, pero kita mo naman ngayon nakuha pang makipag biruan kay Bria.

"Si Tita talaga oh." napakamot pa sa ulo si Bria.

"Pinapagaan ko lang aura dito sa room, hindi matutuwa si Skyler kapag nakita kayong ganyan." Hinimas pa ng Mama ni Sky ang buhok nito at at hinalikan ito sa noo.

"May I know your surname Hija?" sabi nito sa akin.

"Huh, Adriano po. I'm Miley Adriano." nakangiti kong sagot sa kanya.

Hindi ko alam kung natutuwa ba siya or nalulungkot, kasi naluluha siya at the same time ay makikita mo ang saya sa kanyang mga mata.

"I am Laura Trias. Skyler's Mom. You can call me Tita. And ikaw din Kiana, right? Call me Tita." sabi ni Tita.

"Huh, Opo Tita." sagot naman ni Kiana.

Nginitian naman siya ng Mama ni Sky.

"Nice one Bri." sabi ni Tita kay Bria.

"Po?" takang tanong ni Bria.

"You look good together." Nakangiting sagot ni Tita.

Nakita ko kung paano namutla si Bria at Kiana.

Omg, paano nalaman ni Tita?

Muling binalik ni Tita ang attention niya sa akin.

Napalunok tuloy ako ng di oras. Paano kung may alam din siya sa amin ni Sky?

"Maari ko bang malaman kung saan ko makikita ang Mama mo?" biglang sabi ni Tita.

Mas lalo tuloy akong kinabahan.

Shems, hindi kaya isusumbong niya ako?

"Nakikiusap ako sayo Hija, kailangan ko lang talaga siyang makausap. Matagal ko siyang hinanap pero sa tuwing magkakaroon ako ng pagkakataon para makausap siya ay bigla na lang siyang nawawala. Sadyang pinagtataguan niya ako, hanggang sa tinigilan ko na lang dahil ayoko naring magkagulo pa. Pero this time, kahit sa huling pagkakataon ay gusto ko siyang makausap." seryosong turan ni Tita.

Tila naguluhan naman ako sa nangyayari, sa pagkakasabi kasi ni Tita ay parang matagal na niyang kilala si Mama.

"Kilala niyo po ang Mama ko?" paninigurado ko.

Tumango-tango si Tita bilang sagot.

"Kilalang-kilala." nakangiting sagot niya.

"Maari ba kitang mayakap?" sabi pa ulit ni Tita.

Tumango ako bilang pagsang-ayon.

Kahit naguguluhan ako sa mga nangyayari ay nagpayakap na lang ako kay Tita.

"Kamukhang-kamukha mo si Sara." sabi ni Tita habang yakap ako.

"Marami nga daw pong nagsabi." sagot ko.

Kumalas sa yakap si Tita at nakita kong nagpunas ito ng luha.

"Sorry, masaya lang ako na nakita kitang muli." sabi niya.

"Nagkita na po tayo noon?" Tanong ko.

"Isang beses, yun din yung huling araw na nakita kita at ang Mom mo." Malungkot na sabi niya.

"Okay lang po ba kayo?" Tanong ko. Bigla kasing nalungkot si Tita.

"Okay lang ako Hija, may naalala lang." sabi niya.

"Don't worry Tita, dadalhin kita kay Mama." sabi ko.

Hindi ko alam pero feeling ko iyon ang magpapasaya kay Tita ngayon.

At hindi nga ako nagkamali dahil tila bumalik ang masayang aura ni Tita.

Na-curious tuloy ako bigla kung sino sa buhay ni Mama si Tita.

Hindi pa nga ako tapos sa gusto kong malaman, ay meron na naman akong aalamin.

Girl CrushOnde histórias criam vida. Descubra agora