Chapter 10 - Aftermath

7.6K 245 51
                                    

Miley




MAAGA akong nagising at bumungad sa akin ang napakaamong mukha ni Sky.

Napangiti pa ako sa una pero bigla na lang nagsibalikan sa isipan ko yung mga nangyari kagabi kaya naman napatakip na lang ako ng bibig.

Damn it! Nakakahiya yung ginawa ko. At yung sikreto ko!!!!!!!!

Dali-dali akong lumabas ng room ni Sky at pumunta sa kwarto namin ni Kiana.

Pero naman eh! Naka lock yung pinto!!!!
Kumatok ako at di nagtagal ay may nagbukas ng pinto.. Si Bria.

"Hi." sabi niya.

"Oh Hi. Si Kiana?" tanong ko.

"Huh tulog pa. Si Sky?"

"Huh, tulog pa. Salamat nga pala at sinamahan mo si Kiana huh." pumasok na ako sa kwarto at pareho na kaming nakatingin sa natutulog na si Kiana.

May sasabihin pa sana ako kay Bria pero hindi natuloy dahil nahuli ko itong nakatingin ng seryoso kay Kiana at tila may gustong sabihin. May lungkot din akong nakita sa kanyang mga mata.

May nangyari ba kagabi?

"Huh mauna na ako. Ikaw ng bahala kay Kian huh?" sabi ni Bria.

"Uhmm.. Pakisabi nga pala kay Sky thank you din." sabay ngiti ko sa kanya.

Ngumiti din naman siya pero alam kong pilit lang ito.

















"THOMAS!" sigaw ni Sky sa kwarto ni Thomas at ang lakas na din ng katok nito.

Pagkagising daw kasi ni Sky ay hinanap agad ako nito at pumunta sa kwarto namin na ikinagising din ni Kiana.

Ni hindi nga ako makatingin ng deretso kay Sky tapos si Bria at Kian din ay parang hindi rin tumitingin sa isa't-isa.

Pero pinutol lahat ni Sky ang tension ng banggitin niya yung pangalan ni Thomas kaya heto kami ngayon sa labas ng kwarto niya.

Nagkatinginan pa kaming lahat ng marinig namin ang sigaw ni Thomas..

"Thomas? Buksan mo 'to anong nangyayari?" sigaw ni Sky.

Nakarinig pa kami ng isang sigaw... Pero ng isang babae?

"OMG! may kasamang babae sa kwarto si Thomas?" Namilog pa ang mga mata ni Bria habang sinasabi iyon.

"Thomas buksan mo yung pinto." sigaw naman ni Kian.

Hindi rin naman nagtagal ay bumukas ang pinto at bumungad sa amin si Thomas na nakatapis lang ng tuwalya at kitang-kita namin ang pagkabahala nito.

"Anong nangyari sayo?" tanong ko.

"M-may babae sa kama ko." nanginginig pang sabi ni Thomas.

Dali-dali kaming nagpunta sa kama ni Thomas at may nakita nga kaming babae na balot na balot ng kumot at nangingilid ang mga mata.

"She raped me!" sabi ni Thomas at nagtago sa likod ng pinsan niyang si Bria.

Nakatikim naman ito ng batok kay Bria.

"Ouch! Masakit huh." Sabay kamot ni Thomas sa ulo kung saan siya binatukan ni Bria.

"Pinagsasabi mong rape? Baka ikaw pa makasuhan diyan ng rape!" sabi ni Bria.

"Wait! Why me? Can't you see? I'm gay so bakit ko papatulan ang isang yan?" napaikot pa ng mata si Thomas.

"Wait! He's gay?" biglang singit nung babae.

Girl CrushNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ