Chapter 17 - Girls Talk?

6.2K 198 24
                                    

Skyler


"Miley ano ba? Kausapin mo naman ako oh. Please!"

Habol ko sa kanya nung papasok na siya ng bahay nila.

Hindi niya kasi ako kinakausap kahit na saglit after namin magpunta ni Kian sa bahay nila at nung nakita kong ihatid siya ni Brix. Kaya pinuntahan ko siya ngayon.

Tatlong araw na akong hindi nakakatulog ng maayos kakaisip kay Miley.

Buti nga at hindi nahahalata ni Kiana ang nangyayari sa amin ng best friend niya dahil tiyak na mag-aalala iyon.

Hindi nga nahalata ni Kian pero ako naman itong sasabog na sa inis dahil three days naring hindi sumasama sa hangout namin si Miley at puro na lang si Brix ang kasama nito.

Ang sabi niya hindi siya nililigawan ni Brix pero lagi naman silang magkasama.

"Para saan pa? Di ba ikaw na ang nagsabi na itigil natin kung anong meron tayo? Ginagawa ko naman na di ba?"

"Yun ba talaga ang dahilan? Hindi ba okay naman tayo after natin mag-usap? So bakit ngayon iniiwasan mo'ko? Pwede mo namang sabihin sa akin kung may nagawa akong mali ng maitama ko."

Tumawa ng sarcastic si Miley.

"Gusto mo malaman kung bakit naiinis ako sayo? Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo?"

"I hate you!" Dugtong pa nito at iniwan na naman akong nakatulala dahil hindi ko talaga alam kung bakit nagkakaganun si Miley.

Sobrang namimiss ko na siya.

Gusto ko na ngang umiyak dahil wala akong maisip na dahilan kung bakit hindi ako kinakausap ni Miley.


"Oy! Okay ka lang ba?" nakaramdam ako ng hampas pa sa braso, kaya naman nabalik ako sa kasalukuyan.

Sinamaan pa ako ng tingin ni Kiana pagkatingin ko sa kanya

"Kanina pa ako salita ng salita dito, pero hindi mo ako pinapansin!" may himig pagtatampo sa boses niya, kaya ngumiti na lamang ako ng pilit para naman hindi na siya mag-usisa pa.

"Okay lang ako. Nag-iisip lang ako kung ano pa ang pwede kong gawin para paibigin ka." buhat dun ay nakatikim na naman ako ng hampas sa braso.

"Aray! Huh.."

Girl Crushحيث تعيش القصص. اكتشف الآن