Chapter 53 - Screensaver

3.1K 124 15
                                    

Skyler



"Bria? Bria?" tawag ako ng tawag kay Bria sa room niya pero mukhang wala siya.

Nasaan na yun? Parang kanina lang ay kumakain siya sa kitchen.

Bigla namang tumunog yung shower ni Bria, oh naliligo pala.

Bigla namang tumunog yung phone ni Bria na nasa kama. Si Kiana ang tumatawag, okay lang naman siguro kung sasagutin ko? Baka importante ang sasabihin niya, sasabihin ko na lang na naliligo si Bria.

"Babe, I think naiwan ko yung flash drive diyan sa room mo, nung one time na nanood tayo ng movie." biglang natahimik si Kiana.

"Hello?" sabi niya.

"Ah Hi." sabi ko. "It's me Sky." dagdag ko pa.

Tila natahimik naman siya sa kabilang linya.

"Ah ikaw pala Sky, s-saan si Bria?" Tanong niya.

Bakit parang kinakabahan siya?

"Naliligo siya eh, sabihin ko na lang na tumawag ka and yung flash drive mo." sabi ko.

"Ah ganun ba? Sige thanks ah. Yeah pakisabi nalang, Bye Sky." sabi niya at binaba ang phone.

Anong nangyari doon?

Umupo ako sa kama at pinagmasdan yung kwarto, bakit parang di na ako familiar sa kanyang kwarto? Parang may nagbago.

Napapabuntong hininga na lang ako at sobrang nababagot na.

Naisip ko naman yung itinawag ni Kiana kay Bria, ganun sila ka-close? Tawagan nila Babe?

Nakakabored na talaga, nasan kaya yung iPad ni Bria, makapaglaro muna.

Bakit kasi hindi pa ipadala ni Mama yung mga gadgets ko.

Hinanap ko sa mga drawer ni Bria yung kanyang iPad ng mapansin ko ang isang cellphone na nasa pinakailalim ng huling drawer na aking tiningnan.

Wait, cellphone ko 'to ah.

Akala ko ba nasa bahay yung mga gamit ko at tsaka mukha namang okay. Sabi kasi niya puro gasgas na.

Ni-open ko yung phone hoping na gagana at pagsiniswerte ka nga naman bumukas siya.

Pero napakunot noo agad ako sa aking nakita.

Bakit picture naming dalawa ni Miley ang nasa screensaver? At hindi lang ito basta-basta na picture dahil habang nakapalupot ang braso niya sa bewang ko ay nakahalik naman ako sa kanyang noo.

Naguguluhan ako.

Napahawak ako bigla sa ulo ko at napapikit dahil nakaramdam ako ng pagkirot. Tila may imahe ding lumabas sa aking isipan, pero malabo at di ko makilala kung sino. Nakangiti siyang tinatawag ang pangalan kong Skyler.

Sobrang sakit talaga ng ulo ko, shit.

Pinilit kong pumunta sa kwarto ko at hinanap yung gamot. Nang makainom ako ay medyo nabawasan ang sakit.

Umupo ako sa kama at pinagpatuloy ang pagtingin sa laman ng phone ko.

Totoo ba 'to? What the? Sino ba talaga si Miley sa buhay ko?

Sobrang naguguluhan ako! Meron ba akong dapat malaman? Bakit parang hindi ko na kilala ang sarili ko?

Nakatulala lang akong nakatingin sa kawalan at gulong-gulo sa mga nangyayari.

Napatingin din ako sa date ng phone ko, it's November already pero paano? Ang alam ko ay simula palang ng pasukan.

Nung pumasok ako sa school, nung una nagtaka pa ako dahil parang kilalang-kilala na ako ng mga classmates ko pero binalewala ko na lang dahil naisip ko baka kilala nila ako dahil alam kong sikat ako sa school dahil narin sa kagagawan ni Bria.

Girl CrushWhere stories live. Discover now