Chapter 51 - ...about you.

3.1K 136 18
                                    

Skyler



HINANDA ko yung mga damit na gagamitin ni Miley, habang siya ay tahimik lang na nakaupo sa kama ko.

"Ah Miley sige na ikaw na muna ang maunang gumamit ng bathroom. Hinanda ko na yung mga susuotin mo."

"Thank you." mahinang sagot niya pero sapat na para marinig ko.

Saglit niya lang din ako nilingon at nagmadali ng pumunta sa bathroom.

Problema nun?

At dahil wala naman akong magawa sa kwartong 'to, Ewan ko ba at lahat ng gadgets ko ay nawawala pati cellphone ko ay hindi ko parin nakikita since umuwi ako dito sa unit ko galing hospital.

I asked Bria about my phone and she told me na baka nasa bahay namin kasi lahat ng gamit ko ng maaksidente ako ay binigay kay Mama.

And speaking of Mama, sabi niya pupuntahan niya ako after ko lumabas ng hospital pero hanggang ngayon hindi niya parin ako binibisita.

Huli ko siyang nakita ay nung lumabas ako ng hospital, ilang araw narin ang nakalipas.

Feeling ko talaga may tinatago sila sa akin.

Napabuntong hininga na lang ako, naguguluhan kasi ako eh, parang may kulang talaga since nagising ako sa hospital pero hindi ko naman maisip kung anong kulang.

Thankful na nga lang ako kay Miley dahil kapag nakikita ko talaga siya ay payapa ang isip ko. Pwera na nga lang kapag inaatake ng kapilyuhan yung utak ko.

Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin at tila na.....

Biglang kasing lumabas si Miley sa bathroom at wow, sobrang hot naman ng babaeng 'to.

Malaki kasi sa kanya yung damit ko, halos hindi kita yung short na pinahiram ko.

Parang wala tuloy siyang suot na shorts.

"Done checking me out?" biglang sulpot ni Miley sa harap ko.

"Huh?" Sagot ko.

Napailing-iling na lang siya.

Saka ko narealized kung ano yung sinabi niya.

"Huh ano, hindi ah." sabi ko, sabay takbo ko sa bathroom.

Shems nakakahiya.

Pagpasok ko sa bathroom ay halos sambunutan ko ang sarili ko.

Tinagalan ko ang pagligo para paglabas ko ay tulog na siya.

Dahan-dahan pa akong lumabas, nakita ko siyang nakahiga na pero nakatalikod sa akin kaya di ko mawari kung tulog na ba ito.

After ko gawin yung mga bagay-bagay na ginagawa ko bago matulog ay naisipan ko naring samahan si Miley sa kama upang matulog.

Humiga ako sa kanyang tabi at nung haharap ako sa kanya ay nakita kong nakadilat na ito.

"Sorry, nagising ba kita?" tanong ko.

"Nope, hindi naman ako tulog." sagot niya.

Tuluyan na akong humarap sa kanya at ngayon nga ay nakatingin na kami sa isa't-isa.

Magtanong kaya ako kay Miley? Masasagot niya kaya mga tanong ko?

Naguguluhan kasi talaga ako sa sinabi sa akin ni Bria.

Kilala ko si Bria at wala kaming tinatago sa isa't-isa pero nang maaksidente ako, na-coma ng ilang araw pag gising ko may bagong kaibigan na si Bria?

Araw lang ba talaga ng ako'y ma-coma or taon? Para kasing ang dami kong hindi alam.

"May gumugulo sa isip mo?" tanong ni Miley.

How did she even know?

Isa pa, parang kilalang-kilala ako nila Miley at Kiana. Kahit sina Thomas, Brix at Sabine, minsan lang nila ako kausapin pero kung kausapin nila ako ay parang matagal na kaming magkakakilala.

"Pwede mo kong kwentuhan about you?" sabi ko.

Napakunot noo siya bigla.

"Bakit naman?" sagot niya.

"I just want to know you." sabay kibit balikat ko.

Natahimik siya bigla at tila nag-iisip.

Bakit ba parang bawat kilos nila kapag kaharap ako ay aral.

Pero habang hinihintay ko siyang magsalita ay bigla na lang akong nakarinig ng isang ungol galing sa kwarto ni Bria.

Nagkatinginan pa kami ni Miley, mukhang kahit siya ay narinig ito. Pero bakit bigla siyang namula? Napakagat siya ng labi at tinalikuran ako.

Huminto saglit ang ungol pero mga ilang segundo lang din ay bigla na lang may humiyaw kaya napabangon ako.

"Shit, si Bria." sabi ko at akmang aalis na ako sa kama ay pinigilan ako ni Miley.

"Where are you going?" nakahawak siya ngayon sa braso ko.

"Kay Bria, baka binabangungot siya." sabi ko.

Ewan ko pero bakit parang gusto matawa ni Miley sa sinabi ko?

"No she's okay, dito ka lang." sabi naman niya.

"Paano mo naman nalaman?" takang tanong ko.

"She's with Kiana, remember? Kakatok yun dito kung may nangyari ng masama isa man sa kanila." sagot niya.

Hindi parin ako kumbinsido, eh ano yung narinig kong sigaw kanina?

"Wait lang Miley, ichecheck ko lang sila." nakawala ako sa hawak niya pero hinabol niya parin ako.

"Skyler." tawag niya.

Palabas na ako ng pinto pero hinila niya ulit ako papasok at nagulat na lang ako ng hilain niya ako palapit sa kanya at ngayon nga ay magkalapat na aming mga labi.

Deym. Yung kabog ng dibdib ko sobrang lakas.

Napapikit na lang ako at tinugon ang bawat halik niya.

Hindi pa nakuntento si Miley at ipinasok niya pa ang dila niya sa loob ng bibig ko, nagtataka naman ako sa sarili ko at bakit parang sanay na ako sa ginagawa namin ngayon.

Pero binalewala ko na lang iyon at sinabayan ang bawat mapupusok na halik ni Miley.

Mas hinapit ko pa siya upang makalapit sa akin at ngayon nga ay nakapalupot na ang kanyang mga braso sa aking batok.

Kapwa kami hingal ng humiwalay si Miley, pero pagdilat ko ay nakita ko siyang lumuluha.

Bigla niya akong niyakap ng sobrang higpit.

"I miss you." mahinang sabi ni Miley.

I miss you? Bakit parang familiar yun?

Humiwalay siya ng yakap at nagpunas ng mga luha.

"Let's sleep." aya niya at hinila ako papuntang kama.

Di ko alam kung anong nangyayari sa akin pero napapasunod niya ako sa lahat ng sabihin niya ngayon.

Nauna akong humiga sa kama, at kung kanina ay gulat na gulat ako sa halik na'yon.

Natakot naman ako sa ginawang pagyakap sa akin ni Miley ngayon.

Halos pumatong na siya sa akin, at siniksik niya ang ulo niya sa leeg ko.

HINDI LANG YUN, DAHIL RAMDAM NA RAMDAM KO YUNG LABI NIYA SA LEEG KO!

Hindi ko na mabilang kung ilang beses ako napalunok. My God Miley, ano 'tong ginagawa mo sa akin?

Wala na akong nagawa kundi ang yakapin siya hanggang sa siya'y makatulog.

Well, magkayakap kami hanggang sa makatulog.

Bahala na kung anong mangyari bukas.

Girl CrushWo Geschichten leben. Entdecke jetzt