Chapter 31 - LDR

4.1K 125 2
                                    

Skyler



MAAGA kaming umalis ng condo para makapag jogging ni Bria, medyo madilim pa nga eh para narin maaga kaming matapos at mapuntahan sina Thomas.

Nagkayayaan na naman kasing gumala. Sinusulit ang bakasyon, kaya lang nakakalungkot dahil hindi namin kasama si Miley.

"Pahinga na muna tayo Sky. Sobrang pagod na talaga ako." hinihingal na sabi ni Bria at huminto narin sa pagtakbo.

"Ito pa nga lang ang ginagawa natin napapagod ka na? Paano pa yung 11 na gusto? Hindi pa nga natin nasisimulan yun ay baka sumuko ka narin?" pang-aalaska ko sa kanya.

"Eh kasi naman eh, bakit ba gustong-gusto ni Kian yang abs mo? Ang hirap naman magkaroon niyan." Nakanguso niyang sabi na ikinatawa ko.

"Bakit kasi need mo pa ng abs? Sexy ka naman na hindi na kailangan. Sinabi ba ni Kian na magpa abs ka?"

"Hindi, ako lang."

"Oh yun naman pala eh. Alam mo humanga lang naman si Kian sa abs ko. Sinong hindi?" nakakaloko kong sabi sa kanya.

"Ah ganun? Medyo nilalamig yata ako ngayon mabuti pa umuwi na tayo? Mukhang babagyo eh" sabay tawa niya ng malakas.

"Ewan ko sayo Bria hahaha pero seryoso, mahal ka ni Kian at alam ko na kung anong meron ka ay mahal niya. Hindi mo kailangan baguhin ang sarili mo." sabay tapik ko sa balikat niya.

"Kung sa bagay! Tsk. The best ka talaga Sky, iba nagagawa sayo ni Miley huh."

"Syempre, Miley yun. Ano takbo na tayo?" aya ko pa sa kanya.

"Okayyyyyyy" masigla niyang sabi at nagpaunahan na lang kaming bumalik sa condo namin.


























"Kumusta ang mga in-love?" Salubong sa amin ni Brix habang papasok kami sa isang milk tea shop na madalas naming tambayan.

Nakipag beso kami sa kanya at niyakap din.

"Heto masayang-masaya. Pero yung isa diyan medyo malungkot kasi miss na miss na si wifey."  Sagot ni Bria kay Brix.

Paano naman kasi dalawang araw ng hindi ko nakakasama si Miley at tanging sa video call ko lang siya nakikita. Sobrang miss na miss ko na ang wifey ko.

"Oh! Don't worry Sky miss na miss ka narin nun. Saan nga pala si Thomas at Kian?" tanong ni Brix.

"Malapit na yung mga yun na-traffic lang, sinundo pa kasi ni Thom si Kian, dapat kami susundo sa kanya kaso si Thomas na lang dadaanan din naman ni Thom yung condo niya. Hindi pa kami mapapalayo." sagot ni Bria.

"So ano Brix napag-isipan mo na yung sinabi namin?" tanong ko.

"Ah oo. Sinabi ko na sa parents ko. Nung una ayaw nila dahil kakalipat ko nga lang ng school tapos lilipat ulit ako? Pero dahil malakas kayo sa akin, pinilit ko sila na payagan akong mag transfer sa school. IISA NA LANG TAYO NG SCHOOL SA PASUKAN!"masayang balita ni Brix.

Sabay naman kaming napa "Yes" ni Bria.

At least hindi na kami mahihirapan sa oras kapag magbo-bonding kaming magkakaibigan.

"Oh anong kasiyahan 'to?" biglang sulpot ni Kiana.

"Babe!" Masayang bati sa kanya ni Bria na ngayon ay tumayo agad at nilapitan si Kian at niyakap.

Halos sabay pa kaming napailing-iling ni Brix sa nakita.

"Miss na miss lang couz?" si Thomas na kakarating lang.

Girl CrushWhere stories live. Discover now