Chapter 58 - Tears of Joy

3K 127 13
                                    

Bria



Lunch time na ng makarating kami sa bahay at mga ilang minuto na kaming nakatigil sa harapan mismo ng aming bahay.

"Bakit kasi ayaw mo pa bumaba?" natatawang tanong ko kay Kiana.

Halatang kinakabahan kasi siya, akala ko pa naman walang kinakatakutan 'tong si Kiana.

"Loko ka talaga, biglaan mo ba naman ako dalhin sa inyo, di ako ready noh!" singhal niya sa akin.

"Babe, wala ka naman dapat ipag-alala eh, magugustuhan ka nila tiwala lang." sabay ngiti ko.

"Kaya pala takot na takot ka magpakilala ng boyfriend noon? Girlfriend pa kaya?" Sabay taas ng kilay niya.

"Well wala rin naman akong balak ipakilala sila noh, ikaw lang talaga ang gusto ko!" sabi ko at sabay kindat.

Nakita ko namang namula yung pisngi niya kaya napangiti ulit ako. Cute.

"So ano lalabas na ba tayo?" muling tanong ko.

"Wait! Wait na lang natin sina Miles, para naman may kasama ako." sabay pa cute niya.

Luh, dinadaan talaga ko nito sa paganyan-ganyan niya palibhasa alam niyang marupok ako pagdating sa kanya. Mapagtripan nga.

"Nandito naman ako ah? Hindi pa ba ko sapat? Ganyan ka ba talaga?" May paemote-emote pa akong nalalaman hahaha, samantalang si Kiana naman ay napakunot noo na lang.

"Pinagsasasabi mo diyan?" nagtatakang tanong niya.

Hindi ko na napigilan at natawa na lang.

"Ikaw kasi eh, halika na kasi gutom narin ako." aya ko ulit sa kanya.

"Mamaya na nga kasi pag-..." nahinto siya ng biglang may kumatok sa bintana ni Kiana.

"Oh nandiyan na pala sila." sabi ko.

Si Miley yung kumatok at binuksan narin sa wakas ni Kiana yung pinto.

"Bakit nandito parin kayo sa labas?" si Sky na biglang sumulpot sa likod ni Miley.

"Ano pa may ginawang kababalaghan na naman yan." singit ni Thomas.

"Hoy wala ah! Kinakabahan kasi 'tong si Kiana." sabi ko.

"Woah! Parang di ikaw yan Ana ah." sabi ni Miley.

"Ewan ko ba Miles, ngayon ko lang talaga naramdaman yung ganito." sabi ni Kiana.

"Mahal mo kasi si Bria." singit ni Sabine.

Napangiting wagas naman ako sa sinabi ni Sabine.

"Don't worry babe, mahal din kita kaya tayo na, ipapakilala na kita para kasal na lang ang kulang." Masayang sabi ko sa kanya.

"Kinikilig si Kiana hahaha" Si Brix na namumula na kakatawa.

"Grabe di ako sanay ng kinikilig si Kiana." sabi ni Thomas.

"Guys, tama na yan wag niyong pagkaisahan si Kiana." si Sky.

"Halika ka nga muna dito." si Miley na pinaharap sa kanya si Kiana.

"Miles~" sambit nito at yumakap pa kay Miley.

Natatawa naman si Miley sa kinikilos ni Kiana.

"Ana, magiging okay ang lahat. Nandito kaming mga kaibigan mo at higit sa lahat nandiyan si Bria. Hindi ka niya pababayaan." sabi ni Miley.

Huminga ng malalim si Kiana at napakagat pa ng labi.

Hot ng girlfriend ko.

"Okay I'm ready!" Lakas loob niyang sabi.

Girl CrushHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin