Chapter 70 - First Love

3.2K 102 9
                                    

Miley




"Baby." tawag sa akin ni Skyler.

"Hmm?" sagot ko pero nagpatuloy lang ako sa pag gawa ng assignment ko.

Naramdaman kong lumapit siya at nakasandal na ngayon sa table ko.

Nilingon ko siya.

"Why?" curious na tanong ko.

"I have to go." malungkot niyang sabi.

"Right now?" naka-pout kong sabi.

Tumango-tango siya kaya yumakap na lang ako habang nakaupo parin ako. Nakasubsob tuloy ang mukha ko sa abs niya. Yes po ramdam ko kahit nakaharang ang damit niya.

"Bakit nga pala ako lang gumagawa ng assignment?" takang tanong ko.

"Ginawa ko na kanina yung akin habang nasa klase palang tayo. Para naman mahaba-haba ang time nating dalawa." sagot niya at sabay halik sa tuktok ng ulo ko.

"Next time nga magawa din yan para mas mahaba ang oras nating dalawa." sabay ngiti ko sa kanya.

"Mabuti pa nga kasi kahit araw-araw tayong magkasama feeling ko kulang parin eh." sabi naman niya.

"Hahaha hindi kaya magkasawaan tayo?" sabi ko.

"Basta ako hindi ako magsasawa sayo." sabi niya.

"Aba ako rin noh, after ng mga pinagdaanan natin? NEVER!" sagot ko.

"I know, kaya mahal na mahal kita." sagot niya at hinalikan ako ng mabilis sa lips.

"I love you too." sagot ko naman at dahil parang nabitin ako ay tumayo na ako at niyakap ang batok niya.

Nagkatinginan kami at nagkangitian hanggang sa walang pasintabi na muling hinalikan ako, naramdaman ko rin na bigla niya akong binuhat at dahan-dahan na inihiga sa kama, habang patuloy lang siya paghalik sa akin.

Huminto naman siya at sinubsub ang sarili sa aking leeg.

"I really have to go, kung hindi baka hindi ko na talaga mapigilan ang sarili ko. Bria is waiting for me, alam mo naman yun." sabi niya at napa eyeroll.

Natawa na lang ako bigla, kasi kitang-kita ko ang pagpipigil niya. Nararamdaman ko rin kasi yung kamay niya na kanina pa humihimas sa tagiliran ko.

"Sige na, Skyler. Ayoko rin naman na mag-alala si Kiana dahil walang kasama si Bria. Alam mo naman yun." sabi ko naman.

Napahinga siya ng malalim.

"Fine." sagot niya at ninakawan na naman ako halik pero tumayo narin at nag-ayos.

Nasasanay narin ako na ganito kami lagi, next time baka kailangan ko narin sanayin ang sarili ko na siya ang mabubungaran ko sa umaga pag gising ko.

I really can't wait na mangyari iyon.
























































































"Oh anong ginagawa mo dito? Anong oras na!" takang tanong ni Kiana.

Nagpunta kasi ako sa condo niya ng walang pasabi after umalis ni Skyler.

"I need help." sabi ko.

"WHAT? BAKIT ANONG NANGYARI?" biglang panic niya na ikinatawa ko agad.

"Epic ng reaction mo, walang nangyari okay? Pero kung tutulungan mo ako may mangyayari." sabi ko pa na ipinagtaka niya.

Girl CrushWhere stories live. Discover now