Chapter 69 - Baby Names

3.2K 104 11
                                    

Miley



AFTER ng nangyari sa bahay nila Skyler ay mas lalong napalapit kami sa mga mama namin, minsan pa nga ay sila pa itong tatawag sa amin para lang ipakita kung anong ginagawa nila.

Natatawa na nga lang kaming dalawa ni Skyler dahil talagang sinusulit nila Mama at Tita ang mga araw na hindi pa sila busy. Talagang binabawi nila yung mga taon na nasayang dahil sa hindi nila pagkakaunawaan.

Syempre masaya kami pareho ni Skyler para sa aming magulang. Yun naman ang mahalaga di ba? Ang masaya ang lahat.

Speaking of masaya ang lahat, nandito nga pala kami sa Mall at sasamahang bumili ng gamit ng baby si Ariana at Thomas.

Okay narin pala ang parents ni Ariana, napilit nilang umalis muna ng Batangas at ngayon nga ay tumutuloy sa condo nila malapit kina Thomas.

Samantala inaya na muna ako ni Skyler pumunta ng CR at habang hinihintay ko si Skyler na matapos mag CR ay nag mirror selfie muna ako.

Nakailang kuha ako ng biglang sumulpot sa likod ko si Skyler at niyakap ako tapos nilagay niya ang baba niya sa balikat ko at nag post.

Napangiti na lang ako at syempre nag take na lang kami ng maraming pictures.

Meron pang ninanakawan niya ako ng halik sa pisngi at ako ay nakangiti lang sa pinag-gagagawa niya. Nag-abnormal na naman po siya. Mabuti na lang at kaming dalawa lang ang nandito ngayon sa CR.

"Okay tama na, nag eenjoy ka na eh." asar ko sa kanya habang natatawa sa itsura niya na nakanguso dahil gusto niya pang magpapicture.

Samantalang wala siyang hilig sa ganito di ba? Pero nang umamin kami sa mundo ay wala na siyang ibang ginawa kundi ipagmalaki ang relasyon namin.

"Ah ganun?" sabay smirk niya at nagulat na lang ako ng agawin niya ang phone ko.

Aagawin ko na sana ng i-angat niya ang isa niyang kamay na hawak ang phone ko.

"Skyler isa!" ani ko pero nginitian lang ako nito.

"Agawin mo, kung kaya mo." sabay ngiti niya ng nakakaloko.

Ako naman ngayon ang nag-smirk.

Hinila ko ang bandang kwelyo niya at hinalikan siya, napangiti pa ako habang ninanamnam namin ang bawat labi ng isa't-isa.

Nang maramdaman kong naibaba niya na ang mga kamay niya ay lumayo agad ako at inagaw sa kanya yung phone.

"Paano ba yan?" at pinakita ko sa kanya ang phone ko na naagaw ko mula sa kanya.

"Daya, alam mo namang ikaw ang kahinaan ko eh. Tsk!" Pailing-iling niyang sabi.

"Kunwari ka pa, nagustuhan mo rin naman." sabay smirk ko. "Halika na nga, hinihintay na tayo nila Kiana." sabi ko at hinila siya palabas.

Ngingiti-ngiti na lang siyang nagpatianod.




































































"Akala namin hindi na kayo lalabas ng CR eh." bungad sa amin ni Kiana.

"Ito kasing si Skyler, nakuha pag magpicture taking sa loob ng CR." sabi ko.

"Ay wow sa CR talaga?" sabi ni Bria.

"We love comfort rooms, Kiana tulungan mo'ko." Natatawang sabi ni Skyler..

"Right Sky, kasi doon natin sila dinadala kapag you know~" tinaas-taas pa ni Kiana ang kilay niya at nag apir sila ni Skyler.

"Nagtulungan na naman po sila." sabi naman ni Bria.

Girl CrushWhere stories live. Discover now