Chapter 26 - Officially Yours

5.4K 159 5
                                    

Skyler



"Miley, kausapin mo na ako oh. Please!" Kalabit ko pa sa kanya.

Kanina niya pa kasi ako hindi kinakausap, kanina nung nag walk out siya ay sinundan ko agad siya pero mas lalo lang siyang nainis kaya hinayaan ko na lang muna.

Nakipag bonding na lang muna ako sa iba pa naming mga kasama at tanging si Kiana lang ang kinausap niya.

Sinabihan pa ako ni Kiana na mukhang malabong mag kaayos kami. Hindi ko alam kung nagbibiro lang ba siya or seryoso talaga sa sinabi. Buti na lang at nakita ko siyang kumindat kay Bria kaya alam kong pinagtitripan lang ako ni Kiana.

Hapon na at hanggang ngayon ay hindi niya parin ako kinakausap.

Nakatalukbong siya ng kumot at nakatalikod sa akin.

Wala talaga siyang balak na kausapin ako ngayon pero hindi maaari dahil may hinanda akong sorpresa para sa kanya.

Ginamit ko yung oras na nagkulong sa kwarto si Miley para makabawi ako sa nagawa ko sa kanya.

Sayang naman yun at tsaka huling alas ko na'to, mapatunayan ko man lang na seryoso talaga ako sa pagmamahal ko sa kanya.

Naalala ko pa nung tinawag niya akong Baby. Sobrang pag-pipigil na kilig ang ginawa ko nun kanina.

Eh siya kaya kinilig din nung tinawag ko siyang baby? I hope so.

At dahil nagmamatigas talaga ang Baby ko ngayon kaya doble lambing dapat ang gawin ko ngayon para mapalambot siya.

Bahala na si Superman.

Tumabi ako sa kanya at yinakap siya habang nakatalikod sa akin. Siniksik ko pa ang sarili ko sa kanya at hinalikan siya sa leeg.

"Skyler ano ba?" Mariin na sabi niya.

"Baby, I'm sorry na. Hindi ko alam kung bakit naisip ko yung trip na yun pero hindi ko naman ginusto na magkaganito tayo. Please Baby patawarin mo na ako." malungkot kong sabi.

Hindi ko naman kasi akalaing magkakaganito kami eh.

Gusto ko lagi siyang nakangiti, ayoko ng nakikita siyang malungkot or umiiyak man lang. Ewan ko ba bigla kasing nakikita ko sa kanya yung batang nakangiti na napapanaginipan ko at nakilala ko noon.

I told my mom about my dreams, I asked her kung may naging kaibigan ako noon na batang babae.

Madalas ko kasi talagang mapanaginipan at okay lang sa akin dahil natutuwa akong makita siya.

Sabi ni Mama, tanging si Bria lang naman daw ang naging kaibigan ko. Pero may nabanggit siya sa akin na may sinabi daw ako sa kanya noon na may nakilala akong batang babae. At tuwang-tuwa daw ako habang kinikwento ko sa kanila yung nangyari.

Pero bukod doon ay wala na muli akong nabanggit pa. Pilit kong inaalala ang mga nangyari, parang may naalala nga ako na may babae akong tinulungan noon.

Umiiyak siya nung makita ko siya, dahil binubully siya. So ako feeling superhero kaya pinag tanggol ko siya.

That day, sinabi ko sa kanya na dapat lagi siyang ngumiti. Kasi ang panget niya umiyak.

Noong una ay napasimangot siya sa sinabi ko pero nung bigla akong tumawa ay tumawa narin siya.

Ang cute niya lang kapag ngumingiti.

Akala ko nga magkikita pa kaming muli pero iyon narin pala ang una at huling pagkikita namin.

May biglaang nangyari kasi sa Papa ko.


























Girl CrushWhere stories live. Discover now