Chapter 22 - Jeremy Who?

6K 171 9
                                    

Bria




MABILIS na lumipas ang araw at kahit anong hanap ang gawin namin kay Ariana ay wala kami naging balita kung saan matatagpuan si Ari.

Kakatapos lang din ng last exam namin this sem!!! At heto nga ang balita, next sem ay makakasama na namin sa iisang school sina Miley, Kiana at Thomas.

Pero bago yun, ieenjoy na muna namin ang maikling bakasyon. Meaning? BEACH TIME!!!! Kaya hanggat maaga pag-uusapan na namin kung saan kami magbabakasyon.

Sayang nga lang at hindi na namin makakasama pa si Ariana.

Papunta kami ngayon ni Sky sa sa school nila Kiana.

Habang naglalakad kami ni Sky ay napansin namin na pinagtitinginan kami.. Sinong hindi? Aba'y kasama ko ang isang Skyler Trias.

Napaka dyosa naman kasi nitong kaibigan ko.

"Oh ayun na pala sila eh." Rinig kong sabi ni Miley.

Habang palapit kami sa dalawa ay napansin kong nakasimangot na nakatingin sa cellphone niya si Kiana.

"Oh bakit nakabusangot ang mukha ng best friend mo?" tanong ni Sky bago niya niyakap si Miley.

Napailing-iling na lang ako. Sweet talaga ng dalawang 'to.

"Eh pa'no ginugulo ulit siya nung masugid niyang manliligaw noon. Nalaman kasing hiwalay na sila ni Max." sabi ni Miley.

Napakunot noo ako bigla.

"At sinong unggoy naman yun?" Irita kong tanong.

Nakarinig naman ako ng mahinang tawa mula kay Sky.

Pero inirapan ko lang ang kaibigan ko at binigyan ko ng sige subukan mong mang-asar look.

Nakita ko naman na nag peace sign ito sakin.

"Jeremy." Sabi ni Miley.

"Sounds familiar. Jeremy who?" curious kong tanong.

Pero tumingin sa'kin si Kiana at tinaasan ako ng isang kilay.

"At bakit mo tinatanong? At isa pa pwede ba wag na natin pag-usapan ang ugok na yun. Hindi ko rin naman siya gusto 'noh? Siya lang itong mapilit, dahil narin malakas siya sa parents ko. Pero nunca ko siya pagbibigyan." huminto siya saglit tapos nagsimula ulit magsalita.

"Sooooo where's my hug?" sabi sa'kin ni Kiana.

"Ooooohhh!!! Mga damoves mo Ana." sabi ni Miley.

"What? Ano kayo lang pwedeng magyakapan ni Sky?" sabi ni Kian.

Napailing-iling na lang ako.

"Pag bigyan mo na.. Baka maging dragon yan." sabi sakin ni Sky.

Natawa ako saglit pero nung nakita kong tinaasan ako ng kilay ni Kian ay huminto ako.

"Halika nga dito." sabi ko kay Kiana at yung isa ayun dali-daling lumapit sakin at yumakap.

Hanggang sa narinig ko na lang na napahagikgik si Miley at Sky.

Natawa na lang din ako dahil sa higpit ng yakap sakin ni Kiana.

"Patay na patay ka talaga sakin 'noh?" pabiro kong sabi.

Samantalang nakatanggap ako ng hampas kay Kiana.

"Bakit hindi ba?" Naka smirk na tanong ko.

"Ah ganun? O sige paano nga kung patay na patay ako sayo? Makikipag hiwalay ka na ba sa boyfriend mong unggoy?" taas noong tanong sakin ni Kiana.

Girl CrushHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin